Wednesday, March 13, 2013

Positibo at Negatibong Katangian ( Takdang-Aralin )

   Ito ay isa sa aming takdang-aralin na kung saan ay ilalahad namin ang positibo at negatibong katangian ng isa sa aming mga magulang.


Di Tuloy Nakapag-Ribyu ! T_T


Mahal kong Talaarawan,

    Nang Mapeh na ang asignatura namin ay iniliban muna kami ni G. Espina upang simulan ng pinturahan ang mga kagamitang gagamitin sa pagsasayaw ng mga mananayaw ng MNHS para sa darating na pista ng tipulo. Nang sumapit na ang aming libreng oras ay bumalik na kami sa silid-aralan ngunit natagpuan pa namin doon si Gng. Mixto at binibigyan niya ng komento at puna ang bawat isa at napasama pa ako.
    Mag-iikalawa na ng hapon ng ako ay makauwi dahil tinapos na namin ng aking mga kagrupo ang aming mga proyekto. Pagdating sa bahay ay nainis na naman ako ng makita ko ang kapatid ko na naglalaro na naman ng dota at hindi na ako makagamit ng kompyuter at hinahayaan lamang siya parati ni mama palibhasa kasi paborito siya. Nang malapit ng dumating si papa ay tsaka niya lamang sa akin pinahiram at tila nang-aasar pa at hindi talaga tumigil ng pang-aasar kaya humantong kami sa pag-aaway at nasugatan pa ako sa daliri. Nadatnan na lamang ako ni papa na umiiyak kaya pinagalitan kami parehas. Ipinagpatuloy ko ang aking paggagamit ng kompyuter upang ipaskil ang aking mga pagsusulit sa blog habang umiiyak at pinagsasabihan ni papa.
    Nang matapos akong magkompyuter ay nagpunta na lamang ako sa banyo upang naghilamos at naglinis dahil sobrang init talaga ngunit nang paglabas ko ay ipinagpatuloy na naman ni papa ang kanyang pangangaral hanggang hatinggabi hanggang sa ako'y antukin at hindi na nakapagribyu pa para sa ikaapat na markahangl  pagsusulit bukas kasama na rin iyon sa pangangaral niya na hindi ako tuloy nakapagribyu.

Tuesday, March 12, 2013

Sige ng Tulog May Gawain Pa Pala .


Mahal kong Talaarawan,

    Nakakahiya naman natawag pa ako kanina sa mga magbabasa ng liham sa Filipino. Sa totoo lang hindi talaga iyon ang liham na ginawa ko, sa papel ko lamang isinulat ung liham ko. Babasahin kasi pala sa harapan at ayaw ko talaga dahil wala pa akong lakas ng loob para don.
    Pagkatapos ng aming klase ay hindi kaagad ako umuwi dahil ipinagpatuloy namin ang aming pagpipinta na aming proyekto sa T.L.E. dahil bukas na ang pasahan no'n at kung wala kaming maipasa ay blanko ang marka namin. Hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang proyektong ito at hindi ako masaya habang ginagawa ko ito dahil ayaw ko talagang pangkatan ang proyekto namin sa T.L.E. dahil masyadong nagiging kampante at mapag-aksaya sa pintura ang mga kagrupo ko dahil alam nilang makakapagpasa kami dahil kagrupo nila ako.
    Mag-iikatlo na ng hapon ng ako ay makarating sa bahay at nang makakain na ay bigla akong nakaramdam ng antok dahil ilang tanghali ng hindi ako nakakatulog. Medyo napahaba ang tulog ko at ika-pito na ng gabi ng ako ay magising at nakalimutan kong may iguguhit pa pala ako na ini-atas sa akin ni Cagas para sa proyekto namin sa English at aayusin ko pa pala yung mga tinipon na pagsusulit ko sa English dahil pasahan na bukas.

Monday, March 11, 2013

Unti-unti Nang Nababawasan Ang Aking Gawain ! Hehe :D


Mahal kong Talaarawan,

    Nahuli ako sa aking pagpasok kanina pero mas huli ang aking guro kaya ayus lang ganito naman kami palagi kapag Lunes. Kinabahan pa ako kanina nang sinabi sa akin ni Necor na aking katabi na ngayon daw ang pasahan ng aming mga tinipong gawain sa English dahil hindi ko dala ang akin at babalik na naman ako ng tanghaling tapat at ang pagkakaalam ko'y sa Huwebes pa ang pasahan nun pero sila pala ang nagkamali dahil sa Huwebes pa nga ang pasahan.
    Sinabi ni Gng. Mixto na aking guro sa Filipino na sa Biyernes na ang pasahan ng mga portpolyo at blog kaya agad kong i-napdeyt ang aking blog, nilagay ko na ang aking mga pagsusulit at iba pang gawain.
    Medyo ikalawa na ng hapon nang ako ay makauwi dahil inayos ko ang pagguguhit ng mukha ni sir Espina dahil medyo malaki ang bibig at tawa talaga ng tawa ang aking mga kaklase nang ipakita ko sa kanila kaninang umaga at mismo ako rin ay natawa. Bakit ba kasi si sir Espina ang napiling iguhit ko, nahirapan talaga ako sa bibig dahil kapag medyo nalalakihan ko ang pagngiti ay sobrang laki daw sabi ng aking mga kamag-aral, pero kapag naman nililiitan ko ng konti sobra naman daw gwapo. Hindi ko na nga maintindihan kung anu talaga ang tama wala kasi akong kinokopyahan pero nang matapos ko ito ay nakontento na sila kaso nga lang kamukha daw ni Jao ng Princess and I. Pero tinanggap na ito ng aming lider na si Cagas at kasabay ko siyang umuwi.
    Nang ako ay makakain ay tsaka ko isinaayos ang aking blog at gumawa ng aking takdang-aralin sa Filipino kaso hindi ko pa alam kung sino ang tutukuyin ko sa paggawa ko ng liham.

Pagsusulit !

   Ito ay isa sa aming mga pagsusulit ngayong ikaapat na markahan mula sa aming pag-aaral sa nobelang Noli Me Tangere.



Ribyu !

   Sa gawain naming ito ay may kapares kami na aming kamag-aral na kung saan ay kakapanayamin namin ang bawat isa tungkol sa kanyang nabasang libro o napanood na pelikula at ito'y aming gagawaan ng ribyu.


Kahulugan At Pagiging Makapangyarihan ( Takdang-Aralin)

   Sa takdang-araling ito ay aming bibigyang kahulugan ang ilang pahayag mula sa akdang Banyaga ni Liwayway Arceo at kung paano ito naging makapangyarihan.


Mensahe Para sa Pangulo ( Pagsasanay )

   Ito ay isang pagsasanay sa pagsulat na kung saan ay inatasan kami ng aming guro na sumulat ng isang mensahe sa pangulo ng ating bansa tungkol sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa at kung papaano ito masosolusyunan. Kasabay ng pagsasanay na ito ang aming pag-aaral sa maikling kwentong Bangkang Papel ni Genoveva Edroza Matute.


Himala (Liriko)

   Ito ay isa sa mga awiting aming tinalakay nang aming pinag-aaralan ang buod ng pelikulang Himala ni Ricky Lee.


Sunday, March 10, 2013

Gabi Na Tuloy Nakauwi .


Mahal kong Talaarawan,

    Halos parang hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi dahil doon ako natulog sa aming simbahan at hindi ako nakakatulog ng maayos doon dahil maya't maya akong nagigising dahil bukas ang ilaw kaya parang inaantok-antok pa ako habang binibitbit namin ang mga instrumento at spiker upang dalhin sa ikatlong palapag dahil doon kami nagsasagawa ng aming pagsisimba.
    Napansin ko na kaunti lamang ang mga taong nagsimba ngayon at hindi ko alam kung bakit. Isa na sa wala sila mama at papa kaya hindi ako nakauwi ng maaga, sa kanila kasi ako sumasabay pauwi tuwing Linggo. Pagkatapos naming mananghalian ay muli kaming nag-ensayo ng aming mga tutugtugin para sa isang pagpupulong ng mga kabataan. Nagustuhan ko ang mga itinuro sa amin ngayon na tungkol sa lumalalang kahirapan ng ating bansa at bilang kabataan ay may magagawa ako.
    Matapos ito ang ibang mga kabataan ay kinausap muna ng aming pastor na kung saan ay isa doon ang aking kaibigan na kapit-bahay kaya kinakailangan ko pa siyang hintayin at kakaunti lamang kaming naiwan sa isang bukas na silid na kung saan ay palaging naroon ang mga kabataan dahil malamig doon at may libreng wifi.
    Habang kami ay naghihintay ay nanood muna kami ng ng mga palabas ni kuya Jobert sa youtube. Sobra talaga siyang nakakatawa dahil magaling talaga siyang magpatawa at maya-maya pa ay umuwi na kami at siyempre ika-siyam na naman ng gabi kami nakauwi.

Saturday, March 9, 2013

Tambak Na Naman Ang Aking Mga Gawain !


Mahal kong  Talaarawan,
                       
                        Ikalima pa lamang ng umaga ay nagising na ako dahil ang sasama ng panaginip ko na kung saan dapat ay pupunta at kakain kami sa magagandang lugar pero kapag sasabihin ko na pupunta muna ako ng palikuran upang umihi ay hindi ako maka-ihi. Sa tuwing ako’y magigising at matutulog ulit ay puro ganito ang napapanaginipan ko at nang ako’y magising nan g ikalima ng umaga ay hindi nakakapagtaka kung bakit ganoon ang panaginip ko, halos puputok na pala ang pantog ko nang ako’y magising.
                        Nagtataka si mama kung bakit sobrang aga kong nagising. Hindi na ako muling natulog dahil pupunta pa ako ng maaga sa aming simbahan upang manalangin kaya nang magising ang aking kapatid ay kumain na kami n gaming almusal. Pero kahit maaga man o tanghali kami magising ay nahuhuli pa rin kami sa simbahan dahil sa bagal naming kumilos at kung anu-ano pang kuskos balungos ang pinaggagagawa.
                        Hindi ako nagkamali na huli nga kami dahil pagdating naming ay patapos ng mangaral an gaming pastor at tsaka kami nagsimulang manalangin. Pagkatapos nito ay naglinis kami ng ikatlong palapag dahil sobrang maalikabok, hindi pa kasi tapos ayusin an gaming simbahan. Nang ako’y matapos magwalis ay sobrang pawis na pawis talaga ako at nang makapagpahinga ay tsaka ako gumuhit ng plano para sa gagawing silid para sa pag-aaral na kung saan ay may mga kompyuter. Inaantok talaga ako habang ginagawa ko ito at nang makapagpananghalian ay tsaka naman dumating si ate Thea na guro ng mga bata kung linggo na nagpagguhit din sa aking ng mga larawan. Lalo talaga akong inantok kaya nang makaalis siya ay naglatag ako ng kutson at natulog.
                        Ginising ako n gaming pastor ng ikatatlo ng hapon upang magpraktis sa mga tutugtugin naming bukas. Nang kami ay makapagpraktis na ay tsaka ko muling binisita ang blog ko dahil kailangan kong unti-untiin ang paggawa ng aking mga gawain  dahil dumarami na naman: pagguhit ng mukha ni sir Espina na proyekto naming sa English, pagtapos n gaming pinipinta na proyekto naming sa T.L.E., mga takdang-aralin, at pagpapaskil ng mga pagsusulit sa aking blog na siya naming proyekto sa Filipino. Bakit ba hindi na ako maubusan ng mga gawain? Minsan iniisip ko nalang na mauubos din ito pagdating ng bakasyon. 

Friday, March 8, 2013

Parang Napaka-ikling Araw Naman Ito .

Mahal kong  Talaarawan,
                       
                        Kompleto n asana ang kasayahan ko ngayong araw kaso wala kaming asignaturang Filipino ngayon kaya medyo nakakabagot kahit na may pinasulat sa amin. Bukod kasi sa T.L.E. ay naging hilig ko na rin ang asignaturang ito mula noong ikatlong markahan dahil nakakuha ako ng 80 sa kard noong ikalawang markahan at kinabahan talaga ako dahil muntik ng umabot ng palakol kaya nung ikatlong markahan ay pinagsikapan ko itong mapataas at sa ginawa kong ito ay nalaman ko na kawili-wili din pala ang asignaturang Filipino. Dati kasi ay binabalewala ko lamang ang asignaturang ito dahil Filipino nga lang naman, pero dapat din pala itong pahalagahan dahil ito ang ating wika.
                        Pagkatapos ng aming klase ay hindi agad ako nakauwi dahil ipinagpatuloy naming ng aking mga ka-miyembro sa T.L.E. an gaming isinasagawang pagpipinta dahil sa susunod na linggo na naming ito ipapasa at kung wala kaming maipasa bago magbakasyon ay blanko ang aming marka sa kard kaya pinagsisikapan naming itong matapos ng maaga.
                        Nang matapos ito ay umuwi na ako kasabay ang aking ilang kamag-aral. Sa aming paglalakad pababa ng Siruna ay may dumaan na traysikel at nakisakay kami ditto at pumayag naman. Doon na kami ibinaba sa Francisville kung saan tapat n gaming bahay sa Purok Maligaya II.
                        Pagdating sa bahay ay wala palang ulam kaya nagluto na lang ako ng bihon at napapansin kong puro na lang bihon ang kinakain ko palagi, mula umaga hanggang gabi. Sa tingin ko ay masama na ito.
                        Maaga akong natulog ngayon dahil hindi kami nanood ng pelikula dahil ginagamit ng kapatid ko ang kompyuter sa paglalaro. 

Thursday, March 7, 2013

Ang Paghahanap Namin Ni Papa ng Murang Piyano .


Mahal kong Talaarawan,

    Mga mag-iikalawa na ako nakauwi kanina dahil nag-ensayo pa kami ng aking mga kamiyembro sa mapeh para sa aming itatanghal na ehersisyo bukas. Pagdating ko sa bahay ay kasunod ko ring dumating ang aking kapatid galing sa paaralan at siya muna ang gumamit ng kompyuter kaya wala muna ako ginawa kundi maggitara. Nang hapon na ay dumating na si papa na galing sa trabaho at tinanong ako kung maaari na ba kaming tumingin ng mga binibentang piyano sa mga surplus. Matagal na kasing gusto ni papa na bilihan ako nito dahil nais niyang maituloy ko ang pag-aaral ko ng piyano. May guro ako sa piyano noong nakaraang taon na koreana at sa simbahan niya ako tinuturuan ngunit di nagtagal ay umalis na siya at bumalik sa kanilang bansa kaya nahinto ang aking pag-aaral at wala pa kaming piyano dito sa bahay kaya hindi rin ako makapag-ensayo. Mabuti na lang at iniwan ni ate Yu Jin ang kanyang mga libro sa pagtugtog ng piyano at mag-aaral na lamang ako gamit ang mga ito at kasama ang guro kong youtube.
    May nakita kami ni papa na murang yamaha PSR E323 na nagkakahalaga ng apat na libo at isang-daan pero tinawaran namin kaya tatlong libo na lamang na murang-mura na para sa tatak nitong yamaha kaso nga lang basag ang LCD at sulat ng mga hapon ang nakasulat dito pero ayus lang iyon dahil hindi naman iyon masyadong ginagamit sa pagtugtog at nakalagay naman sa kahon ang mga ingles na nakasulat at papalitan ko nalang. Hindi muna namin ito kinuha at babalikan na lamang namin dahil nanaliksik muna ako sa internet tungkol sa mga bagay na meron dito. Nalaman ko na pitong libo  ang halaga nito kapag bago kaya naisip kong mura na nga ito at maganda pa ang tunog.
Pagkatapos kong manaliksik ay nanood kami nila papa at ng aking kapatid ng isang pelikula na may pamagat na Windstruck. Naiyak talaga ako ng sobra sa pelikulang ito dahil masakit nga naman mawalan ng mahal sa buhay pero bigla na lamang akong natawa nang makita ko ang mukha ni Gyeon Woo sa wakas at dito nagsimula ang kwento ng My Sassy Girl pero hindi siya lasing sa gilid ng riles ng tren at nang ako'y nakahiga na upang matulog ay napaisip talaga ako sa dalawang pelikulang ito, kung ano ba dapat ang inuna kong pinanood. Pero tama nga lang pala na maunang panoorin ang My Sassy Girl dahil,.. ah basta! ewan!
Pero naisip ko rin kung ano kaya ang kahihinatnan ng kwento ng My Sassy Girl kung hindi lasing yung babae. Siguro halos lahat ay mababago. 

Wednesday, March 6, 2013

Yuhu ! Walang Pasok !


Mahal kong Talaarawan,

    Walang pasok ngayon kaya medyo naging masarap ang tulog ko dahil hindi ako gumising ng sobrang aga. Pagkagising ko ay nagbasa muna ako ng isa sa mga libro ni Bob Ong sa celpon. Natapos ko na itong basahin pero binasa ko lang ulit dahil wala pang bago akong mabasa.
    Matapos ito ay iniligpit ko na ang aking hinigaan at binuksan ang kompyuter at ginawa ang aking mga gawain kasama na rin ang aking takdang-aralin. Hindi na naman ako nakapananghalian dahil sa kakapanood ng mga tutoryal sa youtube kung paano tugtugin ang ukelele, nagbabalak kasi akong bumili nito gamit ang aking perang inipon mula sa aking baon at benta sa aking mga ipininta.
    Nang hapon na kumain ako ng kamoteng iniluto ni mama dahil nagugutom talaga ako at naubusan na ako ng kanin. Habang kumakain ay nagbabasa ako ng librong Noli Me Tangere upang malaman ko na ang mga susunod na pangyayari at para na rin makasagot bukas sa mga tanong ni Gng. Mixto. Mahaba-haba rin ang nabasa ko kaya medyo inantok ako pero hindi na ako natulog dahil maggagabi na.
    Pagdating ni papa ay nanood kami ng isang pelikula na may pamagat na The Fox Family na isa sa mga pinaniniwalaang alamat ng mga koreano, mga intsik, at mga hapon. Ito ay tungkol sa pagpupursige ng isang pamilya na maging isang tao sa pamamagitan ng pagkain ng atay o puso ng tao dahil sila ay isang soro pero sa bandang huli ay ang panganay lang na babae ang naging tao dahil inabot sila ng eklipse. Pagkatapos nito ay naglatag na ako ng tutulugan namin ng aking kapatid at tsaka natulog.

Tuesday, March 5, 2013

Nakalimutan Ko Pa Yung Proyekto Ko !


Mahal kong Talaarawan,

    Ikaapat pa lamang ng umaga ay gumising na ako dahil kinakailangan ko pang kulayan ang aming poster. Mag-iikaanim na pala ay hindi pa ako nakakaligo at hindi pa ako tapos magkulay at mahuhuli na ang aking kapatid sa kanilang klase kaya inihatid na siya ni papa at isusunod na lamang ako dahil ayus lang kahit ako ang mahuli dahil mas marami pang nahuhuli kaysa sa aki. Pagdating ni papa ay ako naman ang kanyang inihatid. Pagdating sa paaralan ay nakalimutan kong wala pala akong panulat kaya bumili muna ako at doon ay nakita ko ang aking ilang kamag-aral na bumibili ng polder at hindi ko alam na ipapasa pala ngayon ang aming mga tinipong pagsusulit sa mapeh na amin na ring proyekto, niliban kasi ako nung araw na sinabi na sa martes ang pasahan.
    Nang kinokolekta na ni Gng. Nanculangga ang aming proyekto ay sinabi ko na hindi ko nadala ang akin kaya maaari pa raw magpasa hanggang hapon pero may bawas na ang puntos. Kaya pagkatapos ng aming klase ay agad akong umuwi upang makabalik agad.
    Nang ako'y makakain ay agad akong nagpalit ng damit at isinaayos ang aking proyekto at tsaka naglakad pabalik sa paaralan. Sobra talagang nakakapagod dahil paakyat at sobra pang init, mabuti na lamang at nagdala ako ng payong at tubig.
Nang makarating na ako ay nagpahinga muna ako dahil halos hindi na ako makahinga. Nang ako ay makapagpasa na ay nakipagkwentuhan muna ako sa aking mga kamag-aral na gumagawa ng kanilang poster. Inatasan ako ni Gng. Mixto na iboto ang mga nasa ikatlong taon tungkol sa aming isinagawang maikling pelikula.
Kasabay kong umuwi si Cagas at nang makarating ako sa bahay ay hindi kaagad ako nakagamit ng kompyuter dahil ginagamit ng kapatid ko sa paglalaro at wala akong ibang magawa kaya natulog nalang muna ako at tsaka ako nagsimulang gawin ang aking mga gawain pero hindi ko ito natapos dahil nanood kami ng pelikula na may pamagat na snow flower and the secret fan. Ito ay pumapatungkol sa pangako ng dalawang babae na kahit maraming problema ang dumating sa buhay nila ay habang-buhay silang magiging magkaibigan.

Monday, March 4, 2013

Pangkatan Ba Talaga ?


Mahal kong Talaarawan,

    Ayoko talagang nagpapangkatan kami sa t.l.e dahil sa akin lamang pinapagawa at pinapauwi ang aming gawain at hindi ko naman ito pwedeng tanggihan dahil hindi kami mabibigyan ng puntos kung walang gagawa.
    Akala ko talaga ay walang pasok bukas at sa Miyerkules tamang-tama para gawin ko ang lahat ng aking portfolio pero sa Miyerkules lang pala walang pasok. Pagkatapos ng aming klase ay agad akong umuwi upang maaga kong matapos ang aming gawain sa t.l.e dahil ito'y ipapasa na agad bukas. Nang makakain ng pananghalian ay inuna ko munang gawin ang aking takdang-aralin sa filipino at nang matapos ito ay tsaka ko isinunod ang paggawa ng poster.
    Medyo natagalan ako sa pag-iisip kung ano ang iguguhit hanggang sa pagabi na ng pagabi at ako'y inaantok na kaya bukas ko na lamang ito itutuloy at gigising ako ng maaga.

Saturday, March 2, 2013

Pagsasaayos ng Aking Kwaderno .

Mahal kong Talaarawan,

    Maaga pa ay naligo na ako at nagbihis dahil baka mahuli ako dahil may susundo sa amin papuntang smbahan. Bago magsimula ay muli kaming nagpapraktis ng aming mga tutugtugin at nang matapos ito ay tsaka nagsisimula ang pangangaral ng aming pastor.
    Nang matapos kaming magsimba ay umuwi na ako kasama ang pinsan ko na pumunta dito sa bahay dahil hihiramin niya ang aming wimax at ito'y aayusin. Nang siya ay umuwi na ay muli kong itinuloy ang isang kantang pinag-aaralan ko sa gitara at tsaka ko inayos ang aking kwaderno sa English na ipapasa bukas.

Ako'y Nahuli sa Aming Pag-eensayo .


Mahal kong Talaarawan,

    Pagkagising ko ay naggitara muna ako bago magligpit ng aking hinigaan at pagkatapos nito ay tsaka kami nag-almusal ni mama. Tuwing sabado naglalaba si mama kaya ako ang inutusan niya na mamalengke at maglinis ng bahay.
Tanghali na nang kami ay matapos at ako'y naligo na dahil pupunta kami ng simbahan ni Nemuel na kasama ko sa pagtugtog. Pero nang pumunta ako sa bahay nila ay nakaalis na pala siya kaya hinintay ko na lamang si papa dahil inihahatid niya ako pero ikatatlo siya ng hapon nauwi. Hindi na ako nakapananghalian dahil nakalimutan ko at tinatamad na ako kumain kapag ako nakapagsipilyo na.
    Pagdating ni papa ay umalis na kami. Nang ako ay makarating sa simbahan ay nagsisimula na silang magpraktis at mabuti'y madadaling kanta lamang ang aming tutugtugin.
    Gabi na ng ako ay makauwi dahil meron kaming pagpupulong para sa mga kabataan sa simbahan.

Friday, March 1, 2013

Isang Nakakapagod Na Araw -_-


Mahal kong Talaarawan,

    Hindi ko akalain na ililiban pala kami ni G. Espina sa buong klase upang makibahagi sa eksibit. Sobra talaga akong nabagot dahil wala kaming ibang ginawa kundi ang magpaliwanag ng mga nakalagay sa eksibit at magpakita kung paano ito ipinipinta.
    Nang sumapit ang aming libreng oras ay pumunta muna ako sa aming silid-aralan dahil nais kong makita ang aking mga kaibigan at makipagkwentuhan pero nang matapos ang aming libreng oras ay bumalik na ako sa entablado kung saan isinasagawa ang eksibit.
    Nang tanghali na ay nagkita kami ni Jelly at pinahiram niya ako ng pelikulang Rooftop Prince at Secret Love dahil binigyan ko siya ng kopya ng pelikulang A Werewolf boy. Matapos ito ay kumain na ako ng pananghalian kasama si Dexter na kasama ko sa pagpapakita kung paano magpinta. Ginawa namin ito hanggang hapon at nang matapos na ay nagligpit na kami at tsaka namin pinaghati-hatian ang mga nabiling pinta namin.
    Ikalima na ng hapon nang kami ay matapos at ako'y nagsimula ng lumakad pauwi kasama sina Carpio at Izon. Pagdating sa bahay ay sobra talaga akong napagod at masakit ang mga binti ko dahil matagal kaming tumayo kanina. Nang ako ay makakain ay pinanood ko ang pelikulang Secret Love na pinahiram sa akin ni Jelly kasama si mama. Hanggang ikalawang bahagi lamang ang napanood ko dahil mayroon itong sampung bahagi at ang isang bahagi ay isang oras. 

Thursday, February 28, 2013

Paghahanda Para sa Eksibit !

Mahal kong Talaarawan,


    Nang magsimula ang aming libreng oras ay agad na naman akong ipinatawag ni G. Espina kasama ang aking mga kamag-aral na kasama ko sa pagpipinta. Inatasan niya kami na isasaayos na namin ang lahat ng pinta para sa eksibit bukas. Ililiban na lamang niya kami sa dalawang huling asignatura pero nang matapos siyang makapagturo sa aming silid-aralan ay bumalik ako sa aming silid-aralan dahil ayaw ko nang maliban dahil wala akong naisusulat sa aking kwaderno, kulang sa mga pagsusulit, hindi ko naipapasa ang aking mga takdang-aralin, at nanghihinayang ako sa mga itinuturo na kahit minsan ay hindi ko naman maintindihan.
Nang matapos ang aming klase ay kumaripas ako ng takbo dala ang aking kustal papunta sa aming pinagpipintahan upang hindi malaman ni G. Espina na bumalik ako sa silid-aralan. Ang saya ko nang makita ko doon si Vega na aking kaibigan sa ikalawang pangkat at mas lalo akong sumaya nang sinabi niya na sabay kami uuwi dahil hindi siya makakapasok dahil aalis siya. Bihira ko na lamang kasi siyang makita at malungkot kapag walang kasabay sa pag-uwi lalo na't naglalakad ka.
    Ikaapat na ng hapon nang ako ay makauwi dahil medyo natagalan kami sa pag-aayos ng entablado dahil doon  gaganapin ang eksibit bukas.
Natuwa din ako na nagustuhan ng aking mga kamag-aral ang aking isinaayos na mtv na proyekto namin sa E.P. Ito ang aking unang pagkakataon na magsaayos at natuto ako sa tulong ng youtube na kung saan ako ay nanonood ng mga tutoryal na talaga namang malaki ang naitutulong sa akin maging sa ibang gawain.