Mahal
kong Talaarawan,
Ikaapat pa lamang ng umaga ay gumising na
ako dahil kinakailangan ko pang kulayan ang aming poster. Mag-iikaanim na pala
ay hindi pa ako nakakaligo at hindi pa ako tapos magkulay at mahuhuli na ang
aking kapatid sa kanilang klase kaya inihatid na siya ni papa at isusunod na
lamang ako dahil ayus lang kahit ako ang mahuli dahil mas marami pang nahuhuli
kaysa sa aki. Pagdating ni papa ay ako naman ang kanyang inihatid. Pagdating sa
paaralan ay nakalimutan kong wala pala akong panulat kaya bumili muna ako at
doon ay nakita ko ang aking ilang kamag-aral na bumibili ng polder at hindi ko
alam na ipapasa pala ngayon ang aming mga tinipong pagsusulit sa mapeh na amin
na ring proyekto, niliban kasi ako nung araw na sinabi na sa martes ang
pasahan.
Nang kinokolekta na ni Gng. Nanculangga ang
aming proyekto ay sinabi ko na hindi ko nadala ang akin kaya maaari pa raw
magpasa hanggang hapon pero may bawas na ang puntos. Kaya pagkatapos ng aming
klase ay agad akong umuwi upang makabalik agad.
Nang ako'y makakain ay agad akong nagpalit
ng damit at isinaayos ang aking proyekto at tsaka naglakad pabalik sa paaralan.
Sobra talagang nakakapagod dahil paakyat at sobra pang init, mabuti na lamang
at nagdala ako ng payong at tubig.
Nang makarating na ako ay nagpahinga muna ako
dahil halos hindi na ako makahinga. Nang ako ay makapagpasa na ay
nakipagkwentuhan muna ako sa aking mga kamag-aral na gumagawa ng kanilang
poster. Inatasan ako ni Gng. Mixto na iboto ang mga nasa ikatlong taon tungkol
sa aming isinagawang maikling pelikula.
Kasabay kong umuwi si Cagas at nang makarating
ako sa bahay ay hindi kaagad ako nakagamit ng kompyuter dahil ginagamit ng
kapatid ko sa paglalaro at wala akong ibang magawa kaya natulog nalang muna ako
at tsaka ako nagsimulang gawin ang aking mga gawain pero hindi ko ito natapos
dahil nanood kami ng pelikula na may pamagat na snow flower and the secret fan.
Ito ay pumapatungkol sa pangako ng dalawang babae na kahit maraming problema
ang dumating sa buhay nila ay habang-buhay silang magiging magkaibigan.
No comments:
Post a Comment