Mahal
kong Talaarawan,
Nakakahiya naman natawag pa ako kanina sa
mga magbabasa ng liham sa Filipino. Sa totoo lang hindi talaga iyon ang liham
na ginawa ko, sa papel ko lamang isinulat ung liham ko. Babasahin kasi pala sa
harapan at ayaw ko talaga dahil wala pa akong lakas ng loob para don.
Pagkatapos ng aming klase ay hindi kaagad
ako umuwi dahil ipinagpatuloy namin ang aming pagpipinta na aming proyekto sa
T.L.E. dahil bukas na ang pasahan no'n at kung wala kaming maipasa ay blanko
ang marka namin. Hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang proyektong ito at
hindi ako masaya habang ginagawa ko ito dahil ayaw ko talagang pangkatan ang
proyekto namin sa T.L.E. dahil masyadong nagiging kampante at mapag-aksaya sa
pintura ang mga kagrupo ko dahil alam nilang makakapagpasa kami dahil kagrupo
nila ako.
Mag-iikatlo na ng hapon ng ako ay makarating
sa bahay at nang makakain na ay bigla akong nakaramdam ng antok dahil ilang
tanghali ng hindi ako nakakatulog. Medyo napahaba ang tulog ko at ika-pito na ng
gabi ng ako ay magising at nakalimutan kong may iguguhit pa pala ako na
ini-atas sa akin ni Cagas para sa proyekto namin sa English at aayusin ko pa
pala yung mga tinipon na pagsusulit ko sa English dahil pasahan na bukas.
No comments:
Post a Comment