Huling linggo na itong pasok namin at medyo
sabik akong pumasok ngayon dahil maglilinis lang kami ng silid-aralan at
magliliha ng mga upuan na paborito ko.
Natakot ako kanina dahil bigla na lamang
nangisay ang kamag-aral ko at iniuuntog niya ang ulo niya sa upuan sa harap
niya kaya inialis ko at muntik na siyang mahulog sa upuan niya kaya binuhat na
siya ng aking mga kamag-aral at dinala sa pagamutan. Matagal kasi bago siya
napansin ng aking mga kamag-aral at kahit sinasabi na namin sa kanila ay walang
makarinig dahil sobrang ingay talaga dahil wala pa kaming guro.
Maya-maya ay ipinatawag na naman ako ni sir
Espina at ang iba ko pang kasama sa pagpipinta kaya hindi tuloy ako nakasama sa
paglilinis at paglilihaat nang nag-uuwian na ay pinauwi na rin kami ni sir at
ako naman ay umuwi na rin kaagad dahil umuulan-ulan at naiwan ko ang payong ko
ngunit tumitila din naman.
Nang ako ay makauwi na ay tumulong muna ako kay mama sa paglalaba upang ako ay kanyang payagan na pumunta kila Vega bukas.
Nang ako ay makauwi na ay tumulong muna ako kay mama sa paglalaba upang ako ay kanyang payagan na pumunta kila Vega bukas.
No comments:
Post a Comment