Saturday, March 9, 2013

Tambak Na Naman Ang Aking Mga Gawain !


Mahal kong  Talaarawan,
                       
                        Ikalima pa lamang ng umaga ay nagising na ako dahil ang sasama ng panaginip ko na kung saan dapat ay pupunta at kakain kami sa magagandang lugar pero kapag sasabihin ko na pupunta muna ako ng palikuran upang umihi ay hindi ako maka-ihi. Sa tuwing ako’y magigising at matutulog ulit ay puro ganito ang napapanaginipan ko at nang ako’y magising nan g ikalima ng umaga ay hindi nakakapagtaka kung bakit ganoon ang panaginip ko, halos puputok na pala ang pantog ko nang ako’y magising.
                        Nagtataka si mama kung bakit sobrang aga kong nagising. Hindi na ako muling natulog dahil pupunta pa ako ng maaga sa aming simbahan upang manalangin kaya nang magising ang aking kapatid ay kumain na kami n gaming almusal. Pero kahit maaga man o tanghali kami magising ay nahuhuli pa rin kami sa simbahan dahil sa bagal naming kumilos at kung anu-ano pang kuskos balungos ang pinaggagagawa.
                        Hindi ako nagkamali na huli nga kami dahil pagdating naming ay patapos ng mangaral an gaming pastor at tsaka kami nagsimulang manalangin. Pagkatapos nito ay naglinis kami ng ikatlong palapag dahil sobrang maalikabok, hindi pa kasi tapos ayusin an gaming simbahan. Nang ako’y matapos magwalis ay sobrang pawis na pawis talaga ako at nang makapagpahinga ay tsaka ako gumuhit ng plano para sa gagawing silid para sa pag-aaral na kung saan ay may mga kompyuter. Inaantok talaga ako habang ginagawa ko ito at nang makapagpananghalian ay tsaka naman dumating si ate Thea na guro ng mga bata kung linggo na nagpagguhit din sa aking ng mga larawan. Lalo talaga akong inantok kaya nang makaalis siya ay naglatag ako ng kutson at natulog.
                        Ginising ako n gaming pastor ng ikatatlo ng hapon upang magpraktis sa mga tutugtugin naming bukas. Nang kami ay makapagpraktis na ay tsaka ko muling binisita ang blog ko dahil kailangan kong unti-untiin ang paggawa ng aking mga gawain  dahil dumarami na naman: pagguhit ng mukha ni sir Espina na proyekto naming sa English, pagtapos n gaming pinipinta na proyekto naming sa T.L.E., mga takdang-aralin, at pagpapaskil ng mga pagsusulit sa aking blog na siya naming proyekto sa Filipino. Bakit ba hindi na ako maubusan ng mga gawain? Minsan iniisip ko nalang na mauubos din ito pagdating ng bakasyon. 

No comments:

Post a Comment