Mahal
kong Talaarawan,
Sobrang bagal ng kapatid kong kumilos
kaninang umaga kaya hanggang brgy. hall lang kami tuloy naihatid ni papa dahil
mahuhuli na siya sa trabaho kaya naman hingal na hingal na naman akong
nakarating sa silid-aralan.
Habang tinuturuan ko ang mga kamag-aral ko
ng pagtugtog ng gitara ay ipinatawag na naman ako kasama sina Dexter, Sablay,
Robles, Diether, at Amor upang pintahan ang mga kagamitang gagamiting ng mga
sasayaw.
Nang ako ay naglalakad pababa ng siruna ay
umambon ng malakas kaya naman binuksan ko ang aking payong at naalala ko ang
aking kapatid na nasa paaralan pa ata dahil katatapos pa lamang ng recognition
kaya bumalik ako. Hindi ko siya natagpuan at nakita ko si Jelly-Ann Vega kasama
ang isa niyang kamag-aral na si ate Shiela at sila ang nakasabay ko sa pag-uwi.
Kumakain kami ng sorbetes habang naglalakad pababa nang biglang bumuhos ang
napakalakas na ulan kaya naman agad kong binuksan ang aking payong ngunit
nababasa pa rin kami dahil hindi kaming tatlo magkasya sa iisang payong na
mahuna kaya ng makakita kami ng silungan ay agad muna kaming sumilong at
itinabi ang aming mga kagamitang hindi pwedeng mabasa at kami ay naligo sa
ulan. Ang saya-saya talaga dahil unang beses ko itong maligo sa ulan galing sa
paaralan.
Pagdating ko sa bahay ay pinabanlaw ako sa
labas ni mama at pinagsabihan na dapat ay sinolo ko na lamang ang payong, grabe
talaga si mama. Nang ako ay matapos maligo ay binuksan ko ang kompyuter at
nagdownload na naman ng kung anu-anong pelikula.
No comments:
Post a Comment