Mahal
kong Talaarawan,
Halos parang hindi rin ako nakatulog ng
maayos kagabi dahil doon ako natulog sa aming simbahan at hindi ako nakakatulog
ng maayos doon dahil maya't maya akong nagigising dahil bukas ang ilaw kaya
parang inaantok-antok pa ako habang binibitbit namin ang mga instrumento at
spiker upang dalhin sa ikatlong palapag dahil doon kami nagsasagawa ng aming
pagsisimba.
Napansin ko na kaunti lamang ang mga taong
nagsimba ngayon at hindi ko alam kung bakit. Isa na sa wala sila mama at papa
kaya hindi ako nakauwi ng maaga, sa kanila kasi ako sumasabay pauwi tuwing
Linggo. Pagkatapos naming mananghalian ay muli kaming nag-ensayo ng aming mga
tutugtugin para sa isang pagpupulong ng mga kabataan. Nagustuhan ko ang mga
itinuro sa amin ngayon na tungkol sa lumalalang kahirapan ng ating bansa at
bilang kabataan ay may magagawa ako.
Matapos ito ang ibang mga kabataan ay
kinausap muna ng aming pastor na kung saan ay isa doon ang aking kaibigan na
kapit-bahay kaya kinakailangan ko pa siyang hintayin at kakaunti lamang kaming
naiwan sa isang bukas na silid na kung saan ay palaging naroon ang mga kabataan
dahil malamig doon at may libreng wifi.
Habang kami ay naghihintay ay nanood muna
kami ng ng mga palabas ni kuya Jobert sa youtube. Sobra talaga siyang nakakatawa
dahil magaling talaga siyang magpatawa at maya-maya pa ay umuwi na kami at
siyempre ika-siyam na naman ng gabi kami nakauwi.
Wow Ikaw bang gumawa niyan.?
ReplyDelete