Mahal
kong Talaarawan,
Hindi kami magpipinta ngayon sa paaralan
dahil sa Lunesnaman daw ulit kaya dito lang ako sa bahay at walang ibang ginawa
kundi manood ng mga pelikula kasama ang kapatid ko, matulog at magpraktis ng
piyano.
Nang magising ako mula sa pagkakatulog ko ng
hapon ay sinamahan ko si mama sa talipapa upang mamalengke at pag-uwi namin ay
muli akong nagpraktis ng pagtugtog ng piyano, ang hirap pala kapag walang
nagtuturo sa iyo at nagsisisi ako na dapat pala nung bata palang ako ay
nagsimula na akong mag-aral nito dahil base sa nabasa at napapanood ko sa
youtube ay mas madali daw matuto ang mga bata ng piyano dahil malalambot pa ng
kanilang mga daliri. Ang mga pinag-aaralan kong tugtugin ay ang Lu Xiao Yu na
isa sa mga ginawang musika ni Jay Chou sa pelikulang Secret.. Ang gaganda kasi
ng mga musika na gawa niya.
Pagkatapos nito ay nanood kami ng aking
kapatid ng isang pelikula na may pamagat na Love in Disguise at nang ako ay
matutulog na ay naalala ko na hindi ko pa pala nagagawa ang ipinapaguhit sa
akin sa aming simbahan at naalala ko rin na hindi pa pala ako naghahapunan,
puro kasi tinapay ang kinain ko kaya hindi ako nakaramdam ng gutom.
No comments:
Post a Comment