Mahal
kong Talaarawan,
Matapos magsimba ay agad akong umuwing mag-isa
dahil hapon pa uuwi ang aking kapatid at mag-iikalawa na ng ako ay makarating.
Pagdating ko sa bahay ay nagpahinga muna ako dahil sa pagod at sobra na talaga
ang init dahil tag-araw na. Habang nagpapahinga ay nanood kami nila papa at
mama ng isang pelikula na may pamagat na A Moment In Time. Hindi ako masyadong
nagandahan dahil hindi ko gusto si Julia sa mga palabas pero ang ikinaganda ay
ang mga iba't-ibang bansang pinagganapan at ang pagganap ng magaling na aktor
na si Coco Martin.
Matapos ito ay umalis kami ni papa at mama
upang bilhin ang keyboard na tinignan namin dati sa surplus at nakakasigurado
kami na hindi pa ito nabibili dahil pinuntahan ito kaninang umaga ni papa.
Pagdating namin doon ay wala na doon dahil ipinadala ng may-ari/tindero sa isa
nilang surplus sa Antipolo Robinson Homes kaya pumunta kami ni papa sa Antipolo
at si mama naman ay umuwi na dahil hindi siya sana'y sa mahabang biyahe.
Pagdating namin malapit sa simbahan ay itinuro sa akin ni papa ang keyboard na
ibinebenta sa tindahan ng mga instrumento na Twinkle, ito ay bago at P2,800
lang ang halaga kaso nga lang ito ay china kakaunti ang pindutan kumpara sa isa
at ayos na ito para sa akin ngunit sinabi namin na babalikan na lamang namin.
Hinanap namin ni papa ang itinurong surplus na nasa tapat Robinson Homes at ito
ay nakita namin at nandoon nga ang keyboard na yamaha PSR E323. Nagagandahan
talaga ako sa tunog nito at mas marami ang mga pindutan nito. Kahit na sira ang
LCD nito ay napawi naman ng mga magagandang bagay na mayroon dito kaya ito ang
binili namin ni papa sa halagang P2,900, tinawaran kasi namin ni papa dahil ang
tunay na halaga nito ay P4,100, at ang bago naman ay P7,000 .
Bitbit ko ito habang sakay kami sa mutor at
sobrang haba talaga ng biyahe kaya gabi na kami ng makauwi. Yung may-ari kasi
alam ng bibilihin pinadala pa kung saan. Pero masayang-masaya talaga ako dahil
mayroon na ako nito. Mas gusto ko kasi ang instrumentong ito kaysa sa gitara
dahil kahit na nakakalito itong pag-aralan dahil sa mga nota ay mas malambot
namang pindutin kaysa sa gitara dahil lagi na lamang sobrang kapal ng mga kalyo
ko sa mga daliri dahil sa gitara.
talagang nangangapal ang kalyo sa daliri kapag naggigitara... at kapag makapal na iyon hindi na masakit ang pagtipa... pero mas magaang pag-aralan ang keyboard. :) Binabati kita! :)
ReplyDelete