Mahal
kong Talaarawan,
Nang Mapeh na ang asignatura namin ay
iniliban muna kami ni G. Espina upang simulan ng pinturahan ang mga kagamitang
gagamitin sa pagsasayaw ng mga mananayaw ng MNHS para sa darating na pista ng
tipulo. Nang sumapit na ang aming libreng oras ay bumalik na kami sa
silid-aralan ngunit natagpuan pa namin doon si Gng. Mixto at binibigyan niya ng
komento at puna ang bawat isa at napasama pa ako.
Mag-iikalawa na ng hapon ng ako ay makauwi
dahil tinapos na namin ng aking mga kagrupo ang aming mga proyekto. Pagdating
sa bahay ay nainis na naman ako ng makita ko ang kapatid ko na naglalaro na
naman ng dota at hindi na ako makagamit ng kompyuter at hinahayaan lamang siya
parati ni mama palibhasa kasi paborito siya. Nang malapit ng dumating si papa
ay tsaka niya lamang sa akin pinahiram at tila nang-aasar pa at hindi talaga
tumigil ng pang-aasar kaya humantong kami sa pag-aaway at nasugatan pa ako sa daliri.
Nadatnan na lamang ako ni papa na umiiyak kaya pinagalitan kami parehas.
Ipinagpatuloy ko ang aking paggagamit ng kompyuter upang ipaskil ang aking mga
pagsusulit sa blog habang umiiyak at pinagsasabihan ni papa.
Nang matapos akong magkompyuter ay nagpunta
na lamang ako sa banyo upang naghilamos at naglinis dahil sobrang init talaga
ngunit nang paglabas ko ay ipinagpatuloy na naman ni papa ang kanyang
pangangaral hanggang hatinggabi hanggang sa ako'y antukin at hindi na nakapagribyu
pa para sa ikaapat na markahangl pagsusulit bukas kasama na rin iyon sa pangangaral niya na hindi ako
tuloy nakapagribyu.
No comments:
Post a Comment