Saturday, March 16, 2013

Liham Para Kay Gng. Marvilyn Mixto ^_^

Mahal Kong Guro,  


   Una po sa lahat, ako po ay nagpapasalamat sa inyong pagtuturo sa amin, pag-uunawa, at sa panghihikayat na matuto. Natutuwa po akong magkaroon ng isang guro na katulad niyo dahil sa inyo ay nagkaroon ako ng interes sa asignaturang Filipino at pahalagahan ito.   

   Nagustuhan ko po na binigyan niyo kami ng pagpipilian sa paggawa ng proyekto at iyon ay ang paggawa ng portpolyo o blog. Dito ako nagkaroon ng pagkakataon na gamitin ang kompyuter na lagi kong kaharap sa paggawa ko ng proyekto. Talagang nakakapanghikayat kayong magturo dahil may halong patawa hindi lamang sa inyong pagtuturo, maging sa pagkukwento niyo tungkol sa buhay niyo noong kayo ay bata pa  at hindi ninyo direktang sinasabi ang pangalan ng mga nag-iingay, kumbaga ay hindi kayo namamahiya. Para sa akin ay kayo ang pinaka da best na naging guro ko sa Filipino. Ito po ay hindi pampalubag-loob lamang kundi may katotohanan at mula sa aking puso.   

   Sana po ay marami pa kayong maturuan na estudyante at marami pa sana ang matuto mula sa inyo pero mas masaya po kung kayo ulit ang aming magiging guro sa Filipino sa susunod na pasukan. Maraming salamat po talaga sa lahat-lahat at mamimis ko po talaga ang pagtuturo ninyo. <3                                                                                                                                                                                                               

-Sairah


2 comments:

  1. Natutuwa ako at nagkaroon ka nag pagtingin sa asignaturang Filipino. Pagbutihin mo pa ang pag-aaral mo sa susunod na taon at sana'y ipagpatuloy mo pa rin ang blog mo.:)

    ReplyDelete