Mahal
kong Talaarawan,
Ayoko talagang nagpapangkatan kami sa t.l.e
dahil sa akin lamang pinapagawa at pinapauwi ang aming gawain at hindi ko naman
ito pwedeng tanggihan dahil hindi kami mabibigyan ng puntos kung walang gagawa.
Akala ko talaga ay walang pasok bukas at sa
Miyerkules tamang-tama para gawin ko ang lahat ng aking portfolio pero sa
Miyerkules lang pala walang pasok. Pagkatapos ng aming klase ay agad akong
umuwi upang maaga kong matapos ang aming gawain sa t.l.e dahil ito'y ipapasa na
agad bukas. Nang makakain ng pananghalian ay inuna ko munang gawin ang aking
takdang-aralin sa filipino at nang matapos ito ay tsaka ko isinunod ang paggawa
ng poster.
Medyo natagalan ako sa pag-iisip kung ano
ang iguguhit hanggang sa pagabi na ng pagabi at ako'y inaantok na kaya bukas ko
na lamang ito itutuloy at gigising ako ng maaga.
No comments:
Post a Comment