Thursday, March 7, 2013

Ang Paghahanap Namin Ni Papa ng Murang Piyano .


Mahal kong Talaarawan,

    Mga mag-iikalawa na ako nakauwi kanina dahil nag-ensayo pa kami ng aking mga kamiyembro sa mapeh para sa aming itatanghal na ehersisyo bukas. Pagdating ko sa bahay ay kasunod ko ring dumating ang aking kapatid galing sa paaralan at siya muna ang gumamit ng kompyuter kaya wala muna ako ginawa kundi maggitara. Nang hapon na ay dumating na si papa na galing sa trabaho at tinanong ako kung maaari na ba kaming tumingin ng mga binibentang piyano sa mga surplus. Matagal na kasing gusto ni papa na bilihan ako nito dahil nais niyang maituloy ko ang pag-aaral ko ng piyano. May guro ako sa piyano noong nakaraang taon na koreana at sa simbahan niya ako tinuturuan ngunit di nagtagal ay umalis na siya at bumalik sa kanilang bansa kaya nahinto ang aking pag-aaral at wala pa kaming piyano dito sa bahay kaya hindi rin ako makapag-ensayo. Mabuti na lang at iniwan ni ate Yu Jin ang kanyang mga libro sa pagtugtog ng piyano at mag-aaral na lamang ako gamit ang mga ito at kasama ang guro kong youtube.
    May nakita kami ni papa na murang yamaha PSR E323 na nagkakahalaga ng apat na libo at isang-daan pero tinawaran namin kaya tatlong libo na lamang na murang-mura na para sa tatak nitong yamaha kaso nga lang basag ang LCD at sulat ng mga hapon ang nakasulat dito pero ayus lang iyon dahil hindi naman iyon masyadong ginagamit sa pagtugtog at nakalagay naman sa kahon ang mga ingles na nakasulat at papalitan ko nalang. Hindi muna namin ito kinuha at babalikan na lamang namin dahil nanaliksik muna ako sa internet tungkol sa mga bagay na meron dito. Nalaman ko na pitong libo  ang halaga nito kapag bago kaya naisip kong mura na nga ito at maganda pa ang tunog.
Pagkatapos kong manaliksik ay nanood kami nila papa at ng aking kapatid ng isang pelikula na may pamagat na Windstruck. Naiyak talaga ako ng sobra sa pelikulang ito dahil masakit nga naman mawalan ng mahal sa buhay pero bigla na lamang akong natawa nang makita ko ang mukha ni Gyeon Woo sa wakas at dito nagsimula ang kwento ng My Sassy Girl pero hindi siya lasing sa gilid ng riles ng tren at nang ako'y nakahiga na upang matulog ay napaisip talaga ako sa dalawang pelikulang ito, kung ano ba dapat ang inuna kong pinanood. Pero tama nga lang pala na maunang panoorin ang My Sassy Girl dahil,.. ah basta! ewan!
Pero naisip ko rin kung ano kaya ang kahihinatnan ng kwento ng My Sassy Girl kung hindi lasing yung babae. Siguro halos lahat ay mababago. 

1 comment: