Mahal
kong Talaarawan,
Nahuli ako sa aking pagpasok kanina pero mas
huli ang aking guro kaya ayus lang ganito naman kami palagi kapag Lunes.
Kinabahan pa ako kanina nang sinabi sa akin ni Necor na aking katabi na ngayon
daw ang pasahan ng aming mga tinipong gawain sa English dahil hindi ko dala ang
akin at babalik na naman ako ng tanghaling tapat at ang pagkakaalam ko'y sa
Huwebes pa ang pasahan nun pero sila pala ang nagkamali dahil sa Huwebes pa nga
ang pasahan.
Sinabi ni Gng. Mixto na aking guro sa
Filipino na sa Biyernes na ang pasahan ng mga portpolyo at blog kaya agad kong
i-napdeyt ang aking blog, nilagay ko na ang aking mga pagsusulit at iba pang
gawain.
Medyo ikalawa na ng hapon nang ako ay
makauwi dahil inayos ko ang pagguguhit ng mukha ni sir Espina dahil medyo
malaki ang bibig at tawa talaga ng tawa ang aking mga kaklase nang ipakita ko
sa kanila kaninang umaga at mismo ako rin ay natawa. Bakit ba kasi si sir
Espina ang napiling iguhit ko, nahirapan talaga ako sa bibig dahil kapag medyo
nalalakihan ko ang pagngiti ay sobrang laki daw sabi ng aking mga kamag-aral,
pero kapag naman nililiitan ko ng konti sobra naman daw gwapo. Hindi ko na nga
maintindihan kung anu talaga ang tama wala kasi akong kinokopyahan pero nang
matapos ko ito ay nakontento na sila kaso nga lang kamukha daw ni Jao ng
Princess and I. Pero tinanggap na ito ng aming lider na si Cagas at kasabay ko
siyang umuwi.
Nang ako ay makakain ay tsaka ko isinaayos
ang aking blog at gumawa ng aking takdang-aralin sa Filipino kaso hindi ko pa
alam kung sino ang tutukuyin ko sa paggawa ko ng liham.
No comments:
Post a Comment