Mahal
kong Talaarawan,
Hindi ako maaga ngayon pumunta ng aming
simbahan dahil may mga guhit ako na kailangang tapusin. Medyo natagalan ako sa
pagkokompyuter kaya hindi ko namalayan na ikatatlo na pala ng hapon kaya ako ay
nagpahinga ng kaunti at tsaka naligo ng mabilis at nang ako ay naglalakad na
upang pumunta sa sakayan ng dyip ay nagkasalubong kami ni papa at ihahatid na
lamang niya ako kaya bumalik ulit kami sa bahay upang kumain si papa at kunin
ang isang helmet. Ikaapat na ng ako ay makarating sa simbahan at tapos na pala
ang pagpapraktis kaya ipinagpatuloy ko na lamang doon ang pagguguhit ko ng mga
larawang pambata mula sa mga istorya sa bibliya na gagamitin ng mga guro na
kanilang biswal sa kanilang pagtuturo sa darating na bakasyon.
No comments:
Post a Comment