Wednesday, March 6, 2013

Yuhu ! Walang Pasok !


Mahal kong Talaarawan,

    Walang pasok ngayon kaya medyo naging masarap ang tulog ko dahil hindi ako gumising ng sobrang aga. Pagkagising ko ay nagbasa muna ako ng isa sa mga libro ni Bob Ong sa celpon. Natapos ko na itong basahin pero binasa ko lang ulit dahil wala pang bago akong mabasa.
    Matapos ito ay iniligpit ko na ang aking hinigaan at binuksan ang kompyuter at ginawa ang aking mga gawain kasama na rin ang aking takdang-aralin. Hindi na naman ako nakapananghalian dahil sa kakapanood ng mga tutoryal sa youtube kung paano tugtugin ang ukelele, nagbabalak kasi akong bumili nito gamit ang aking perang inipon mula sa aking baon at benta sa aking mga ipininta.
    Nang hapon na kumain ako ng kamoteng iniluto ni mama dahil nagugutom talaga ako at naubusan na ako ng kanin. Habang kumakain ay nagbabasa ako ng librong Noli Me Tangere upang malaman ko na ang mga susunod na pangyayari at para na rin makasagot bukas sa mga tanong ni Gng. Mixto. Mahaba-haba rin ang nabasa ko kaya medyo inantok ako pero hindi na ako natulog dahil maggagabi na.
    Pagdating ni papa ay nanood kami ng isang pelikula na may pamagat na The Fox Family na isa sa mga pinaniniwalaang alamat ng mga koreano, mga intsik, at mga hapon. Ito ay tungkol sa pagpupursige ng isang pamilya na maging isang tao sa pamamagitan ng pagkain ng atay o puso ng tao dahil sila ay isang soro pero sa bandang huli ay ang panganay lang na babae ang naging tao dahil inabot sila ng eklipse. Pagkatapos nito ay naglatag na ako ng tutulugan namin ng aking kapatid at tsaka natulog.

No comments:

Post a Comment