Siyempre
tulad pa rin ng dati pagkarating ng paaralan ay diretso agad sa aming
pinagpipintahan upang magpinta hanggang uwian. Bago ako umuwi ay pumunta muna
ako kay Gng. Mixto upang magbigay ng ilang pelikula ngunit wala sa kanya ang
kanyang laptap kaya sinabi ko na bukas na lamang, para na rin maidagdag ko ang
mga bagong iddownload ko pag-uwi. Mga dalawa kasi ang nai-ddownload ko sa isang
araw at pinapanood ko naman kapag gabi.
Nang gabi na ay nanood kami ng aking kapatid ng isang pelikula na may pamagat na Secret at sobrang ganda talaga ng kwento niya at nagagandahan talaga ako sa bidang babae na si Guey Lun-Mei. Bilib din ako kay Jay Chou dahil sa siya na ang sumulat, direktor, gumawa ng musika at ang bida. Ang galing-galing niya ding magpiyano grabe!

Nung
napanood ko ang pelikulang ito ay naalala ko ang isang trailer na napanood ko
dati sa youtube na gustong-gusto kong mapanood at natuwa ako na napanood ko na
ito ngayon.
Nang
matutulog na kami ng kapatid ko ay pinagkukwentuhan pa rin namin ang pelikulang
ito dahil ang ganda-ganda talaga.
No comments:
Post a Comment