Mahal
kong Talaarawan,
Maaga pa lang ay gising na kami ng aking
kapatid dahil pupunta pa kami sa aming simbahan at hindi mawawala si Nemuel na
lagi naming kasabay.
Bago kami muling mag-ensayo sa pagtugtog ay
ipinagpatuloy ko muna ang aking iginuguhit na mga larawan na pambata na
gagamitin ngayon bakasyon dahil ilang araw ko na rin itong hindi
nabibigyang-pansin dahil nagpipinta rin ako sa paaralan at sa Miyerkules ko na
ibibigay kay ate Thea na guro ng mga bata. Naalala ko rin na may ipinagagawa pa
pala sa aming mga kabataan si pastor Noi na isang komiks na ipamimigay rin sa
mga bata siyempre ako na naman ang magguguhit. Hay naku! akala ko hayahay na
ako ngayong bakasyon hindi pala. Pero mabuti na rin ito upang masanay at maintindihan
ko na ang buhay ay punong-puno ng mga gawain.
Dito na kami natulog ng aking kapatid kasama
ang ibang kabataan, siyempre magkahiwalay ang babae sa lalake.
No comments:
Post a Comment