Mahal
kong Talaarawan,
Mga ikaanim at kalahati pa lamang ng umaga
ay bumangon na kami ni Cath dahil kinakailangan naming ayusin ang worship hall
na kung saan ay doon kami natutulog dahil doon din ginaganap ang morning
devotion tuwing umaga.
Nang kami ay makapag-almusal ay sinimulan ng
ng bawat isa ang kanilang mga gawain, habang ang iba ay binisita ang bahay ng
mga bata, ako naman ay naglinis na lang ng mga salamin sa bintana ng worship
hall dahil wala pa akong magawa.
Nang hapon na ay nagsimula na kaming
mag-ensayo para sa aming mga tutugtugin bukas sa pagsimba. Pagkatapos naming
mag-ensayo ay naghapunan na kami at habang naghuhugas kami ni Cath ng mga
pinggan ay bigla na lang nawalan ng koryente at sabi ni pastor na sa ikatlong
palapag dahil mainit sa worship hall lalo na't walang koryente at siya ay
umalis.
Pero nang ikasampu na ng gabi ay nagkaroon
na ng koryente at kami ay nagpudtrip dahil may mga dala si pastor na mga
tsitsirya. Doon na kami natulog ni Cath sa taas dahil nakakatamad na lumipat sa
baba kaso nga lang medyo nakakatakot dahil open ang lugar at wala pang pinto
dahil hindi pa tapos gawin ang aming simbahan pero nakatulog rin ako sa
kakalaro sa celpon.
No comments:
Post a Comment