Walang kaming pasok ngayon dahil araw ng
pagtatapos ng mga nasa ikaapat na taon kaya wala akong ibang ginawa kundi ang
mag-aral kung paano magbasa ng nota at magdawnlowd ng mga pelikula. Nagbisekleta din kami kanina ng aking kapatid at medyo natagalan kami dahil kung saan-saan kami nagpupunta.
Nang ikalawa na ng hapon ay naalala ko na
pupunta pala ako ngayon kila Jelly upang kami ay manood ng mga pelikula kaya
ako ay nagpahinga dahil galing ako sa kompyuter at tsaka naligo.
Sabi niya ay wala siyang gagawin ngayon
ngunit pagdating ko sa kanila ay gumagawa siya ng proyekto sa E.P. Ipinasak
namin ang aking kard rider na may memory kard sa kanilang dvd ngunit hindi
lumalabas ang pelikula kaya sinubukan naman namin ang flash drive na dala ko at
hindi rin ito binabasa ng kanilang dvd kaya wala akong ibang ginawa kundi
tulungan na lamang siya sa paggawa niya ng pamplet na proyekto niya sa E.P. at
nagbasa ng libro mula wa wattpad sa kanyang celpon at ng ikaapat na ng hapon ay
umuwi na ako sa bahay. Ayus lang na hindi kami nakapanood dahil ang mga gusto
niya naman panoorin ay napanood ko na tulad ng windstruck at a werewolf boy at
sigurado akong maiinip lamang ako. Pero masaya pa rin sana kung nakapanood kami dahil harutan toda max na naman ang mangyayari.
No comments:
Post a Comment