Friday, March 8, 2013

Parang Napaka-ikling Araw Naman Ito .

Mahal kong  Talaarawan,
                       
                        Kompleto n asana ang kasayahan ko ngayong araw kaso wala kaming asignaturang Filipino ngayon kaya medyo nakakabagot kahit na may pinasulat sa amin. Bukod kasi sa T.L.E. ay naging hilig ko na rin ang asignaturang ito mula noong ikatlong markahan dahil nakakuha ako ng 80 sa kard noong ikalawang markahan at kinabahan talaga ako dahil muntik ng umabot ng palakol kaya nung ikatlong markahan ay pinagsikapan ko itong mapataas at sa ginawa kong ito ay nalaman ko na kawili-wili din pala ang asignaturang Filipino. Dati kasi ay binabalewala ko lamang ang asignaturang ito dahil Filipino nga lang naman, pero dapat din pala itong pahalagahan dahil ito ang ating wika.
                        Pagkatapos ng aming klase ay hindi agad ako nakauwi dahil ipinagpatuloy naming ng aking mga ka-miyembro sa T.L.E. an gaming isinasagawang pagpipinta dahil sa susunod na linggo na naming ito ipapasa at kung wala kaming maipasa bago magbakasyon ay blanko ang aming marka sa kard kaya pinagsisikapan naming itong matapos ng maaga.
                        Nang matapos ito ay umuwi na ako kasabay ang aking ilang kamag-aral. Sa aming paglalakad pababa ng Siruna ay may dumaan na traysikel at nakisakay kami ditto at pumayag naman. Doon na kami ibinaba sa Francisville kung saan tapat n gaming bahay sa Purok Maligaya II.
                        Pagdating sa bahay ay wala palang ulam kaya nagluto na lang ako ng bihon at napapansin kong puro na lang bihon ang kinakain ko palagi, mula umaga hanggang gabi. Sa tingin ko ay masama na ito.
                        Maaga akong natulog ngayon dahil hindi kami nanood ng pelikula dahil ginagamit ng kapatid ko ang kompyuter sa paglalaro. 

No comments:

Post a Comment