Mahal kong Talaarawan,
Nang magsimula ang aming libreng oras ay
agad na naman akong ipinatawag ni G. Espina kasama ang aking mga kamag-aral na
kasama ko sa pagpipinta. Inatasan niya kami na isasaayos na namin ang lahat ng
pinta para sa eksibit bukas. Ililiban na lamang niya kami sa dalawang huling
asignatura pero nang matapos siyang makapagturo sa aming silid-aralan ay
bumalik ako sa aming silid-aralan dahil ayaw ko nang maliban dahil wala akong
naisusulat sa aking kwaderno, kulang sa mga pagsusulit, hindi ko naipapasa ang
aking mga takdang-aralin, at nanghihinayang ako sa mga itinuturo na kahit
minsan ay hindi ko naman maintindihan.
Nang matapos ang aming klase ay kumaripas ako
ng takbo dala ang aking kustal papunta sa aming pinagpipintahan upang hindi malaman
ni G. Espina na bumalik ako sa silid-aralan. Ang saya ko nang makita ko doon si
Vega na aking kaibigan sa ikalawang pangkat at mas lalo akong sumaya nang
sinabi niya na sabay kami uuwi dahil hindi siya makakapasok dahil aalis siya.
Bihira ko na lamang kasi siyang makita at malungkot kapag walang kasabay sa
pag-uwi lalo na't naglalakad ka.
Ikaapat
na ng hapon nang ako ay makauwi dahil medyo natagalan kami sa pag-aayos ng entablado
dahil doon gaganapin ang eksibit bukas.
Natuwa din ako na nagustuhan ng aking mga
kamag-aral ang aking isinaayos na mtv na proyekto namin sa E.P. Ito ang aking
unang pagkakataon na magsaayos at natuto ako sa tulong ng youtube na kung saan
ako ay nanonood ng mga tutoryal na talaga namang malaki ang naitutulong sa akin
maging sa ibang gawain.
Lagi kong ikinatutuwa na basahin ang mga post mo. Hindi bitin at hindi boring. Ipagpatuloy mo lang at tiyak na mahahasa ang husay mo sa pagsulat. :))
ReplyDeleteMaraming salamat po! :)
ReplyDelete