Mahal
kong Talaarawan,
Sakto na pagdating namin sa simbahan ni
Nemuel ay tapos na ang morning devotion at nagkakainan na, ang tagal kasing magising
palagi ni Nemuel na kasama ko sa pagtugtog at kaklase ko din kaya palagi akong
nadadamay sa pagkahuli. Nang kami ay nandoon na ay hindi rin ako nagkaroon ng
oras para kabisaduhin ang aking iispeech sa Lunes dahil itinuloy ko ang
pagguhit ng plano para sa ikatlong palapag ng aming simbahan at nang huminto na
ako sa paggawa ay tsaka kami nagsimulang magensayo sa mga tutugtugin namin para
bukas sa sunday worship. Ika-siyam na ng gabi nang kami ay makauwi ni Nemuel
dahil medyo napahaba ang aming meeting.
No comments:
Post a Comment