Mahal
kong Talaarawan,
Sobrang aga kong nagising ngayon dahil sumasakit
ang aking namamagang mata at nasiko pa ito ng aking kapatid kaya naman bumangon
na ako at naupo sa isang silya. Nang mag-iikasiyam na ng umaga ay nagmadali na
akong maghanda dahil may rekording kami ng aking mga kagrupo sa E.P. na gagawa
ng isang mtv at hindi maaaring hindi ako pumunta dahil ako ang inatasang
maggigitara kaya dinala ko ang aking gitara. Pumunta ako sa paaralan na
naglakad at kasabay si Clado na aking kaklase at nang makarating kami doon ay
nandoon na sila sa bahay ni Medel kaya dumiretso kami doon ni Clado. Pagdating
doon ay napagalaman naming aalis pala sila Medel kasama ang kanyang mga
magulang kaya kami ay nagpunta ng Heaven's Gate at sa pinakadulo kami doon nagrekord
upang hindi marinig ang ugong ng mga sasakyan, ngunit nang patapos na kami ay
lumapit ang isang guwardya at kami'y pinagsabihan kaya kami ay umalis at
naglakad papunta Blue Mountains at sa may bandang tuktok kami nagrekord.
Sobrang tagal namin doon dahil paulit-ulit kami dahil may mga kagrupo kaming
maiingay kaya paulit-ulit kami sa pagrerekord. Inabot na kami ng ikatatlo ng
hapon at nagugutom na kami dahil hindi pa kami kumakain at mabuti'y may Mcdo
doon sa tabi ng Fatima University dahil kami ay naki-cr at bumili na rin upang
mapawi ang gutom at nakakahiya na naki-cr lang kami. Pagkatapos naming
magrekord na aming kanta ay naglakad kami pauwi ni Clado dahil magkalapit lang
ang aming bahay at mag-iiklima na kami ng hapon nakauwi. Sumakit talaga ang aking mga daliri dahil sa paulit-ulit kaming nagrerekord pero masaya pa rin ang araw na ito.
No comments:
Post a Comment