Mahal
kong Talaarawan,
Tinanghali ako ng gising ngayon dahil
mag-iikaapat na ng umaga nang ako ay makatulog dahil bukod sa hapon na ako
nagising nang ako'y natulog ng tanghali at nakapagkape, ay masyado kong iniisip
ang aking pagtatalumpati sa asignaturang ingles. Wala pa kasi akong sinisimulan
at kakabisaduhin ko pa ito.
Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nakapagmorning
devotion sa aming simbahan kaya nasa bahay lamang ako ngunit ng mag-iikawalo na
ng umaga ay nagtext ang aming pastor at pinapapunta na ako ng simbahan kaya
ako'y naghanda at pumunta doon kasama si Nemuel na aking kapit-bahay na siyang
drummer. Pagdating doon ay isinasagawa na ang planong ginawa ko dati para sa
disenyo ng isang office at ngayon naman ay may n\iniatas sa akin na gumuhit ng
isang disenyo para sa ikatlong palapag. Medyo natagalan akong gawin ito kaya
hapon na kami nakapag-ensayo para sa mga tutugtugin namin bukas sa pagsisimba.
Pagkatapos nito ay mag-iikawalo na nang kami ay nakauwi ni Nemuel.
No comments:
Post a Comment