Mahal
kong Talaarawan,
Pagkatapos ng aming klase ay hindi muna ako
umuwi dahil ngayon ang araw na ako ay iinterbyuhin ni Bb. Tayamora. Kinakabahan
talaga ako at nang ikalawa na ng hapon ay nag-ayos na ako dahil kasama din ang
kaayusan at kahandaan ng sarili. Nang ikalawa at kalahati na ng hapon ay
tumungo na ako kay Bb. Tayamora at sobra akong kinakabahan ng mga oras na iyon
dahil ingles dapat ang wika na gagamitin pero kung hindi mo na kaya ay maaari
nang mag-tagalog. Sa una ay puro ingles ang isinasambit ko ngunit nang sa kalagitnaan
na ay filipino na ang wika na ginamit ko dahil hindi ko na kaya at sobrang
makapigil-hininga ang mga itinatanong, meron pa ngang isang tanong na hindi ko
nasagot at hindi ko alam kung bakit. Nang matapos ito ay umuwi na ako at sa
aking paglalakad pauwi ay nagsasalita akong mag-isa at tinatanong ang aking
sarili kung mapupunta pa kaya ako sa unang pangkat sa sunod na pasukan. Wala
naman kasing mga tao sa pababa ng Siruna kaya ayus lang. Sa totoo lagi akong
nagsasalita ng mag-isa kung ako ay uuwi ng alanganin. Iniisip ko yung mga
nangyayari sa akin sa paaralan.
Pagdating ko sa bahay ay kumain na ako dahil
hindi na ako nanananghalian kahit ikatatlo na ng hapon. Matapos ito ay tsaka ko
ginawa ang aking mga takdang-aralin.
No comments:
Post a Comment