Mahal
kong Talaarawan,
Dinala ko ang gitara ko ngayon sa aking
pagpasok dahil ipagpapatuloy namin ang aming paggawa ng MTV ng aking mga
kagrupo sa E.P. Mgavivideo na dapat kami ngayon para sa mtv ngunit inulit na naman
namin ang pagrerekord ng kanta dahil may konting-konting mali ang nagawa namin
kahapon at nais pa namin itong maisaayos ngunit gaya ng kahapon na akin nang
inaasahan, naubos ang aming oras sa sawayan at paulit-ulit na pagrerekord dahil
lagi nalang may mali. Ito ang dahilan kung bakit hapon na naman akong nakauwi
at bukas na lang daw kami magvivideo sabi ng aming pinuno at sigurado akng mas
malala ang mangyayari bukas pero umaasa pa rin akong makakapagpasa kami ng
proyekto dahil malapi na ang pasahan nito at iyon ay sa Biyernes na.
No comments:
Post a Comment