Mahal
kong Talaarawan,
Dala ko sa aking pagpasok ang ipininta kong
kabayo na binili ni G. Ligutan. Pagkatapos ng aming klase ay hindi agad ako
umuwi dahil nakipagkwentuhan pa ako sa aking mga kaibigan. Minsan kasi parang
ayaw kong umuwi agad dahil parang gusto ko pang makasama ang aking mga kaibigan
sa mas mahabang oras.
Pag-uwi ko sa bahay ay nagulat si mama na
maaga akong nakauwi, madalas kasi akong umuuwi ng ika-tatlo ng hapon. Sabay
kaming nananghalian ni mama at pagkatapos nito ay hindi agad ako nakagawa ng
aking mga takdang-aralin dahil lagi na lamang akong sinusuyudan ni mama kahit
wala naman siyang makuha.
Pagkatapos nito ay tsaka ko ginawa ang aking
mga takdang-aralin at kami ay nanood ng isang pelikula na may pamagat na
"The Thieves". Nakakatawa ito dahil ang mga bidang magnanakaw ay pinagnanakawan
din ang kanilang kapwa magnanakaw at pagkatapos nito ay natulog na ako.
No comments:
Post a Comment