Mahal
kong Talaarawan,
Habang wala kaming guro kanina ay gumagawa
ako ng mga isasagawa mamaya ng aking mga kagrupo sa paggawa ng mtv dahil
kailangan na agad itong matapos dahil baka magkandaloko-loko pa sa pag-eedit.
Natuto akong maging seryoso at magpahalaga sa bawat minuto lalo na't malapit na
ang pasahan ng isang proyekto. Hindi ko alam kung bakit ang daming nakatambak
na gawain sa akin, pag-eedit ng mtv, paggawa ng portfolio sa math, paggawa ng
rebyu sa filipino, laban ng on the spot painting bukas, dapat ay matapos ko na
ang isang malaking painting ng mga kabayo na iniatas ni sir Espina hanggang
martes, at halos lahat ng ito'y sabay-sabay ang pasahan. Minsan ay pinapanatag
ko na lamang ang aking sarili dahil baka mabaliw ako sa kakaisip sa mga ito at
paulit-ulit na sinasabi na "All is well" na natutunan ko sa
pelikulang 3 idiots dahil alam kong malalampasan ko rin ang mga ito, tiwala
lang. Itinuloy namin ang pagkuha ng mga eksena sa Heaven's Gate at masaya naman
ako na nakipagtulungan naman sa aking ang aking mga kagrupo at nakakuha kami ng
maraming eksena at pagkauwi ko sa bahay ay sinimulan ko na ang pag-eedit kasama
sina Carpio, Izon, at Clado at halos maggagabi na nang sila ay makauwi dahil
ang daming kwentuhan at kung hindi ko pa ihihinto ay hindi pa sila uuwi.
No comments:
Post a Comment