Yan Tuloy Di Kasi Nagbabalik-Tanaw sa mga Aralin !
Mahal
kong Talaarawan,
Naiinis
ako dahil medyo namamaga na naman ang aking mata, kagagaling pa nga lang ng
nasa kanan eh pumalit naman yung kaliwa. Naisip ko na huwag na lang pumasok
dahil masakit pero naisip ko na hindi dapat hadlangan ng pamamaga ng mata ang
pag-aaral ko at kahit na asar-asarin pa ako ng maingay, makulit at dramatista
kong katabi na si Jeanette. Nagkaroon kami ng mahabang pagsusulit sa AP at
halos yung unang pahina lang ang aking mga nasagutan at yung pangalawa eh iilan
na lang ang naisagot ko dahil wala nang pagpipilian. Kahit na libreng-libre
kong nakikita ang sagot ng nasa harapan at gusto ko nang isulat sa papel ko
dahil ang may pinakamababang puntos daw ay uulitin ang pagsusulit at
nakasisigurado akong mas mahirap ang kasunod pero pinigilan ko talaga ang
sarili ko na kopyahin dahil itinatak ko sa aking isipan ang salitang de bale
nang bumagsak, basta't hindi nangopya. Nakakasigurado akong mababa ang makukuha
kong puntos pero Lord sana naman hindi ako ang pinakamababa. Pagkatapos nang
aming klase ay nagkaroon ang pangkat namin sa EP ng isang sandaliang
pagpupulong pero siyempre tulad ng dati inaabot kami ng kalahating oras dahil
sa lahat nagsasalita. Ito ang dahilan kaya ika-isa na ng hapon ako nakauwi.
No comments:
Post a Comment