Mahal
kong Talaarawan,
Tulad kahapon, maaga na naman akong nagising
at hindi ko alam kung bakit palagi nalang akong maagang nagigising. Dahil sa
hindi na ako makatulog, nilinis ko muna ang aking gitara at pinakintab dahil
bakat ang mga daliri dito ng aking mga kaklase dahil ginamit namin ito kahapon
sa aming pagrerekord ng kanta. Pagkatapos nito ay inayos ko na ang aking iispeech
sa lunes at nang maipaprint ko na ito ay sinimulan ko nang basahin ng
paulit-ulit dahil medyo mahirap kabisaduhin dahil mahaba kaya naisipan ko
nalang na basahin na lamang ang iba sa lunes basta't maipahayag ng maayos ang
nilalaman.
No comments:
Post a Comment