Mahal
kong Talaarawan,
Maaga akong nagising ngayon dahil walang
pasok kaya habang wala akong magawa ay sinimulan ko na ang paggawa ng aking
portfolio sa math na ipapasa bukas. Nang matapos ko ito ay naligo muna ako bago
ko isunod ang aking pagpipinta, madalas kasi akong mahilo kapag ako'y
nagpipinta o kaya'y magkompyuter. Nang matapos akong maligo ay tsaka ako
nagpinta ng kabayo na bibilihin ng isang guro sa aming paaralan. Nakalimutan ko
na ring kumain ng pananghalian dahil sa kakagawa nito pero natapos ko naman.
Pagkatapos kong magpinta ay nagluluto na si
mama para sa hapunan at ako'y kanyang pinabili sa talipapa ng niyog. Nang ako'y
makabili na ay pumunta muna ako kila Jelly na aking kaibigan sa ikalawang
pangkat na nakatira malapit sa talipapa. Pagbalik ko sa bahay ay nagalit sa
akin si mama dahil ang tagal-tagal ko raw bumalik pero sinabi ko na dumaan muna
ako kila Jelly.
Nang matapos akong utusan ni mama ay
ipinagpatuloy ko ang pagsasaayos ng aming mtv na aming proyekto sa E.P. at
ipinaskil ko na rin ito sa youtube dahil dito daw ito itsetsek ni ma'am
Tayamora. Gabi na nang ito'y matapos pero nanood pa kami nila papa ng isang
pelikula na may pamagat na A Werewolf Boy. Nakakatawa at nakakaiyak itong
pelikulang ito pero hindi ko pinapatulo ang aking luha dahil nahihiya ako na
makita ako nila papa.
No comments:
Post a Comment