Mahal
kong Talaarawan,
Hindi ako nakapasok ngayon dahil lalong
lumala ang pamamaga ng aking mata dahil sa kuliti, nagkakaroon ako nito kada
isang taon. Napagdesisyunan kong hindi muna pumasok upang ito ay gamutin at
makapagpahinga dahil lalong lumalala kapag naaarawan. Wala akong ibang ginawa
maliban sa pagagamot ng aking mata kundi maggitara ng kung ano-anong kanta at
napapansin kong pagaling na ang pamamaga nito. Nang makapananghalian na kami ni
mama ay pumunta ako sa Penafrancia kasama si Nemuel na aking kaklase at
siyamnapung bata dahil kasama ang mga batang ito sa mga tuturuan ng mga koreano
at kami naman ni Nemuel ang tutugtog at magaasikaso sa mga batang ito.
Tatlong tricycle ang nasakyan namin dahil sa
dami nila at nang makarating doon ay nagsimula na kaming mag-ayos ng mga
instrumentong gagamitin at tsaka nagsimula. Nang matapos ito ay ikaanim na ng
hapon at tsaka kami umuwi kasama ang siyamnapung bata.
No comments:
Post a Comment