Mahal
kong Talaarawan,
Tinanghali kami ng gising ng aking kapatid
kaya kami'y nahuli sa morning devotion sa simbahan at pagkatapos nito ay
nag-almusal kami doon bago ako pumunta sa praktis sa short film. Ika-sampu ng
umaga nang makarating ako sa bahay nila Medel na aming pinagpapraktisan at ika-labindalawa
naman kami nakapag-umpisa dahil hindi maiiwasan ang tawanan at harutan bago
mag-umpisa. Mabuti at natapos na namin ito at nauna na akong umalis sa kanila
dahil kinakailangan ko pang pumunta sa aming simbahan upang magpraktis ng mga
tutugtugin bukas para sa simba. Halos hindi naging maayos ang aming
pagpapraktis dahil wala ang drummer na si Nemuel na aking kaklase dahil
nagpapraktis din siya kasama ang kanyang mga kagrupo para sa short film.
No comments:
Post a Comment