Mahal
kong Talaarawan,
Tanghali na naman akong nagising ngayon kaya
pagkagising ko'y nagmadali akong kumain at naligo dahil paparating na ang
susundo sa amin papuntang simbahan at nang kami ay makarating na kasama ang mga
bata ay nagsimula ulit kami ng aming huling pag-eensayo at pagkatapos nito'y
tsaka dumating ang mga tao para sa pagsisimba.
Pagkatapos ng simba ay umuwi na ako kasama
sila papa at mama dahil may mga gawain pa akong tatapusin. Pagdating sa bahay
ay nakusot ko ang kanan kong mata at ito'y namula at natakot akong baka maging
soreyes kaya itinulog ko baka sakalng mawala.
Pagkagising ko'y namumula pa rin kaya ako'y
nagpahinga ng konti at nang mag-iikaanim na ng hapon ay napansin kong nawawala
na ang pagkapula at kumain na kami ng hapunan at nagsimula na akong gumawa ng
ilang takdang-aralin.
No comments:
Post a Comment