Tapos Na Rin Ang Aking Speech sa Wakas !
Mahal
kong Talaarawan,
Sobrang
lumuwag ang aking paghinga nang ako ay makapag-speech na at lubos pa akong
natuwa nang marami ang nakinig sa aking speech na may pamagat na We only remember
when we are in need na nangangaral na tsaka lamang natin naaalala ang Panginoon
kung tayo ay may pinagdadaanan. Pagkatapos ng aming klase ay pumunta pa ako
kasama ang aking mga kagrupo sa bahay ni Medel na aking kaklase upang
ipagpatuloy ang aming isinasagawang MTV na proyekto namin sa E.P. Sobrang
nakakapagod talaga at sumakit ng husto ang mga daliri ko sa paulit-ulit na
pag-iintro dahil ako ang tumutugtog kaso palaging may mali ang kanilang
pag-awit kaya kami'y paulit-ulit. Pag-uwi ko sa bahay ay kumain muna ako ng
panghapunan at naparami ang nakain ko dahil hindi pa ako nananghalian kaya
sobra akong nagutom. Nang makakain na ay nagkompyuter na ako dahil magpapasa
ako ng mga pelikulang pinapanood ko sa memory card dahil nais ko rin na
mapanood ito ng aking kaibigan na si Jeanette Necor upang makarelate siya sa
mga kinikwento ko sa kanya. Ginawa ko ito habang ginagawa ko ang aking
takdang-aralin sa Filipino.
No comments:
Post a Comment