Ako Pa Talaga Ang Editor ?
Mahal
kong Talaarawan,
Natapos na kami ng aking mga kagrupo sa
pagrerekord ng aming kanta para sa mtv kaya ang pagkuha naman ng mga eksena at
kantahan ang aming mga isinagawa kanina sa paaralan. Konting eksena lamang ang
aming mga nakuhaan dahil sa sobra talaga ang kukulit ng mga lalaki at ang mga
babae ay nagatawanan din siyempre isa na ako dun. Pero nang malaman ko na ako
ang inatasan na mag-eedit ng aming mtv ay nagulat ako, ayaw kasi ng isa naming
kagrupo na mag-edit dahil siya ang nasisisi kaya ako na lamang ang inatasan. Sa
totoo lang ay ito ang aking unang pagkakataon na maging isang editor at wala
pang kasiguraduhan. Dahil nga sa paulit-ulit kami sa pagkuha ng eksena ay
nalobat na ang kamera ni Clado kaya nagdesisyon na bukas na lamang itutuloy.
Mabuti'y malapit ang bahay sa amin nila Clado kaya nang kami ay makauwi ay
pumunta siya sa aming bahay upang ilipat sa kompyuter namin ang kaunting eksena
na nakuha upang mapagpraktisan ko kung paano mag-edit. Ayun naubos ang oras ko
at inabot ng gabi sa pag-aaral sa youtube kung paano mag-edit at mabuti na lang
at may naka-install na na windows movie maker.
No comments:
Post a Comment