Mahal
kong Talaarawan,
Pagkatapos ng aming klase ngayon ay hindi na
ako nakapagpaalam kay sir Espina na hindi muna ako makapagpipinta ngayon at
maaga akong uuwi dahil pupunta pa ako ng simbahan ng ikatatlo ng hapon dahil
kami ay tutugtog para sa panimulang mga awitin para sa Diyos. Nang ako ay
makauwi ay nakaramdam ako ng antok dahil sa kabusugan nang makakain kaya ako'y
natulog muna at nagpagising na lang kay mama bago mag-ikatatlo ng hapon. Nang
ako ay ginising ni mama ay naligo na ako at nagbihis kahit na antok pa rin.
Nang ako'y makarating na sa simbahan kasama ang maraming bata ay nandoon na rin
ang mga kasing-edaran namin na mga koreano na nagmula sa Beijing,China at
marami silang isinagawang pagtatanghal at ikinatuwa ito ng mga bata. Hapon na
ito nang matapos at nauna nang umuwi ang mga bata dahil kami ay nagsagawa pa ng
isang pagpupulong para sa mga kabataan.
No comments:
Post a Comment