Mahal
kong Talaarawan,
Nang marinig ko na ang apilyido ko sa mga
binunot ni sir Inahid na susunod na magiispeech ay kinabahan na ako dahil wala
pa akong naiisip na topic o sa madaling salita ay wala pa akong nagagawa. Hindi
ito nawala sa isipan ko hanggang ako ay makauwi dahil hindi ko maisip ang
sarili ko na nagsasalita sa harapan dahil ako yung tipo ng tao na laging
kabado. Pero wala na kong ibang magagawa kundi ang paghandaan ito.
Maaga akong nakauwi ngayon dahil hindi kami
nagpintinta dahil sa wala ang iba naming materyales. Pag-uwi ko sa bahay ay sa
halip na tapusin ko ang isa sa aking mga pinipinta ay natulog muna ako dahil sa
antok at tsaka ko ito ginawa nang ako'y gumising.
No comments:
Post a Comment