Mahal
kong Talaarawan,
Pagkauwi ko sa bahay matapos ng simba ay
gagawin ko na dapat ang aking proyekto sa math pero lagi na lamang akong
pinapabunot ni mama ng kanyang puting buhok at medyo natagalan. Matapos ito ay niyaya
kaming manood ni papa ng pelikula, A Werewolf Boy sana ang papanoorin namin
pero Journey To The West na lang daw dahil maganda rin daw iyon. Nagustuhan ko
ito dahil mahilg ako sa mga pelikula ng koreano, intsik, indiyano, at abentura
naman kung sa amerikano.
Matapos naming manood ay hiniram ko muna ang
kompyuter at napunta ako sa pagsasaliksik ng tabs ng kantang I belive at aking
pinag-aralan sa gitara dahil napagtanto ko na maganda pala ang kantang ito nung
mapanood ko ang My Sassy Girl ngunit hanggang koro lamang ang aking natapos dahil
may dumating na bisita kaya ipinapatay muna ni mama ang kompyuter. Napansin
kong gabi na pala at nakalimutan kong gawin ang aking proyekto sa math kaya
napagdesisyunan kong bukas na lamang ito gawin at tatapusin ko na talaga ito
bukas, pangako.
No comments:
Post a Comment