Mahal
kong Talaarawan,
Hindi ako nakapagmorning devotion kanina
dahil may mga gawain pa akong dapat tapusin. Ipinagpatuloy ko ang pag-eedit ng
aming mtv at sa wakas ay natapos ko rin ito ngunit hindi ko magawang ipaskil
agad sa youtube dahil wala pang pamagat, kinakailangan kasi naming gumawa ng
aming sariling pamagat dahil pinalitan namin ang mga liriks ng kanta na
pumapatungkol sa pagkamasigasig.
Pagkatapos nito ay nananghalian na kami ni
mama at nang dumating na si papa ay inihatid niya ako sa aming simbahan sa
Penafrancia dahil kami ay magpapraktis ng aming mga tutugtugin bukas na araw ng
Linggo.
Madilim na nang ako ay makauwi dahil may isang
pagtitipon ang mga kabataan tuwing araw ng Sabado at ako ay nakikibahagi doon.
No comments:
Post a Comment