Mahal kong
Talaarawan ,
Ito ang unang araw ng aming ikatatlong markahang pagsusulit. Nagdala
ako ng ilang mga kwaderno upang makapagribyu sa silid-aralan habang wala pang
guro ngunit wala ring nagawa ang mga ito dahil wala akong maintindihan lalo na
sa chemistry. Maya-maya pa ay dumating na si Mrs. San Jose na siyang magbibigay
sa amin ng pagsusulit.
Bago
magsimula ang aming pagsusulit ay nanalangin muna ako na tulungan nawa ako ng
Diyos sa pagsasagot at ilayo niya ako sa tukso. Ang una naming pagsusulit ay
chemistry at buti na lang na nakinig ako nang mabuti sa huling araw ng pagtuturo
ni Mrs Manlagnit bago mag-exam tungkol sa mga pormyula dahil halos lahat ng tanong
ay tungkol dito kaya hindi ako masyadong nahirapan sa pagsasagot dito. Ngayon
din kami nag-exam sa filipino at hindi rin masyadong mahirap ang mga tanong
kaya sa unang araw nang aming pagsusulit ay medyo sisiw pa.
Pag-uwi
sa bahay bago matulog nang tanghali ipinangako ko sa sarili ko na magriribyu
talaga ako pagkagising ko ngunit nang pagkagising ko ay may nakita akong bagong
movie sa aming kompyuter na may pamagat na Abraham Lincoln:Vampire Hunter. Ang
nasa isip ko'y sisilipin ko lang ang palabas na ito at papatayin ko na ang
kompyuter ngunit hindi ko namalayang natapos na pala at ika-sampu na nang gabi
kaya nakalimutan ko na namang magribyu at dahil inaantok na ako, eh natulog na ako.
No comments:
Post a Comment