Pagdating sa aming silid-aralan ay nanahimik
muna ako at naupo habang hinihintay dumating ang aking mga katabi. Pagdating
nila ay nagpaturo ako sa aming takdang-aralin sa english dahil nahihirapan
talaga ako bumuo ng mga pangungusap ngunit wala pala silang mga takdang-aralin
kaya pinilir ko nalang bumuo ng pangungusap kahit na english carabao.
Maya-maya pa ay dumating na si ma'am Norbie
at hindi ko inasahang may mahabang pagsusulit kami pero may mga tanong na hindi
ko nasagutan dahil hindi ako nakapagbalik-aral. Sa mapeh naman ay nag-ukit kami
sa sabon at hindi namin ito natapos kaya ituloy na lang sa bahay at ipapasa bukas.
Sa englsih naman ay nag-ulat lang ang bawat pangkat ng mga araling iniatas sa
bawat isa at sa filipino'y gumawa kami ng isang sanaysay tungkol sa mga kakayahan
ng mga kababaihan sa ngayon. Sa t.l.e. naman ay iniliban ako kasama ang aking tatlong
kamag-aral hanggang uwian dahil kami ay nagpipinta para sa darating na eksibit sa Pebrero at maraming guro ang nais bumili kaya kailangang paspasan ang
paggawa.
Nang matapos kaming magpinta ay umuwi na ako
ng ika-tatlo na ng hapon dahil naglakad lang ako. Nakasabay ko na si papa sa
pag-uwi at pagdating sa bahay ay tinapos ko na ang pag-uukit sa sabon at gumawa
ng aking mga takdang-aralin.
No comments:
Post a Comment