Mahal kong
Talaarawan ,
Kinakabahan ako dahil ngayon kami mageeksam sa math dahil sa tuwing
mageeksam ay kung nadalian ako sa math siguradong mahihirapan ako sa chemistry, at kung sa chemistry naman ako nadalian ay sa math naman ako
nahihirapan at ganoon nga ang nangyari.
Sunod
naman ang Edukasyon sa Pagpapahalaga. Ito talaga ang pinakamadali sa lahat at
di ko akalaing kasama sa mga tanong si Abraham Lincoln na dating presidente ng
Amerika. Akalain mo nga namang may silbi rin pala ang napanood kong movie
kagabi dahil malaki ang naitulong nito para masagutan ang eksam ngunit hindi nga
lang makatotohanan ang mga pangyayari dahil pumapatay siya ng mga bampira sa movie.
Hindi ko alam kung bakit adik ako sa mga movie dahil siguro sa wala kaming
telebisyon.
Natuwa
ako nang nalaman kong pumasa ako sa filipino dahil alam kong bumaba ang marka
ko sa kard nung nakaraan ay dahil bagsak ako noon pero ngayon na nalaman kong
pumasa ako ay masaya talaga ako.
Bago
ako umuwi sa bahay ay binigyan pa ako ni Mrs. Cabrera ng mga tsetsekang mga
papel at ito ang ginawa ko pag-uwi ko sa bahay.
No comments:
Post a Comment