Mahal
kong Talaarawan,
Pagkagising ko palang kanina ay abalang-abala
na si mama dahil pupunta siya sa pagpupulong sa skul. Kahit gusto akong isama
ni mama ay ayoko pa rin dahil wala akong gagawin sa skul ng ganoong oras at
ikasampu pa ako ng umaga pupunta doon upang makipagkita sa aking mga kagrupo sa
Filipino. Naisip ko kasing gagawa nalang ako ng aking mga gawain sa skul.
Pagkaalis ni mama ay naligo't nagbihis na
ako para nakahanda na at aalis na lang. Binuksan ko muna ang kompyuter para titignan
kung may internet at mayroon nga. Kaya nagbukas muna ako ng aking facebook at
naghanap na rin ng movie ng pinapanood saamin ni ma'm Cabrera na may pamagat na
Schindler's List ngunit wala akong nakita kaya buod na lang ang binasa ko.
Hindi ko namalayan na mag-iikasampu na pala ng umaga kaya nagmadali akong nagligpit
at umalis ng bahay dahil baka mahuli ako dahil maglalakad lang ako.
Sa paglalakad ko'y nakasalubong ko si mama at
ibinigay sa kanya ang susi ng aming bahay at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Pagdating sa skul ay nakita ko na ang aking mga kagrupo at kami'y pumunta sa
bahay nila Medel na isa sa aking mga kagrupo upang doon gumawa ng aming mga
gawain. Pagdating doon ay nakita namin na tabi ng bahay nila ang isang
nakabitin na hagdanan at ilog. Kaya kami'y naggala-gala muna dito at pagbalik nami'y
kumain kami ng pananghalian.
Pagktapos kumain ay nagkwentuhan muna kaming
lahat habang nagtatawanan dahil may mga ilan kaming kagrupo na talaga namang
nakakatawa. Hindi namin namalayan ang oras at ikalima na pala ng hapon kaya
agad nilang ibinigay sa akin ang kartolina upang palagyan ng disenyo, ngunit ang
mga inatasan ng aming lider na magdadala ng mga kagamitan ay nakalimot kaya
tanging ang pinturang dilaw at itim lang ni medel ang ginamit ko at daliri at
upos pa ng sigarilyo ang ginamit kong bras dahil wala ding may dalang bras.
Kaya hindi ganoon kaganda ang aming gawa.
Pagkatapos nito'y umuwi na kami dahil maggagabi
na. Pagdating sa bahay ay tinignan ko ang kard ko at masaya ako sa mga grado ko
at tsaka ko ginawa ang iba kong mga gawain sa skul dahil wala akong oras kapag
araw ng linggo dahil masyado akong abala sa simbahan.
No comments:
Post a Comment