Mahal kong Talaarawan ,
Maaga akong gumising dahil maaga akong pupunta ng simbahan ngaun dahil
kailangan naming magpraktis para sa mga tutugtugin namin mamaya kaya
pagkagising ko ay agad na akong nag-almusal at maya-maya pa'y dumating na ang
naghahatid-sundo sa amin. Pagdating sa simbahan ay nanalangin muna ang lahat ng
mga kabataan at tsaka kami nagsimulang magpraktis.
Pagkatapos
ng aming pagpapraktis ay may mga ilang tao na ang dumating at maya-maya pa ay
nagsimula na ang simba. Pagkatapos ng simba ay sinundo na ako ni papa dahil pupunta
pa akong national bookstore upang bumili ng paintbrush at ng ilang mga
kagamitan na gagamitin ko sa paggawa ng aking proyekto at pagkatapos bumili ay
umuwi na kami.
Pagdating
sa bahay ay nakalimutan kong hindi pa pala ako nanananghalian kaya kumain muna
ako at tsaka ipinagpatuloy ang pagpipintura ng aking proyekto at mabuti'y
natapos ko ito ngayong araw dahil bukas na ang pasahan nito.
No comments:
Post a Comment