Kahit inaantok pa eh pilit akong ginising ni mama dahil maglalaba
pa kami ng mga labahan. Halos mag iika-sampu na ng umaga ay hindi pa rin kami
natatapos at dahil wala namang proyektong ginagawa ang aking kapatid ay siya
muna ang pumalit sa paglalaba upang magawa ko naman ang aking proyekto. Nang
matapos sila mama na maglaba ay saktong ika-labindalawa na ng tanghali kaya
inihinto ko na muna ang aking ginagawa upang sabay-sabay kaming mananghalian.
Pagkatapos
naming mananghalian, kami ng aking
kapatid ay naghanap ng mga magagandang pelikula sa internet upang panoorin
dahil nga sa wala kaming telebisyon ay ito ang libangan namin. Pagkatapos namin
itong idawnlowd ay kumain muna kami ng hapunan bago namin ito pinanood at
mag-iikasampu na ng gabi nang ito'y matapos. Napakaganda ng palabas na ito, ito ay may pamagat na Rurouni Kenshin. Ito ay pelikula na
ginaganapan ng mga totoong tao na mula sa anime na Samurai X.
No comments:
Post a Comment