Mahal kong
Talaarawan ,
Pagkagising ko ay may isang mensahe sa sa celpon ni mama na kami ng
aking kapatid ang tutugtog para sa linggo kaya kahit maaga pa'y naligo't nagbihis
na kami ng aking kapatid upang pumunta sa simbahan upang makibahagi sa
pananalangin tuwing umaga at dahil kailangan din ito bago makatugtog.
Pagkatapos
nito ay kaming mga kabataan ay nag-ikot sa Penafrancia upang bumisita sa mga
bata at inanyayahan silang makibahagi sa sunday school para bukas at pagkatapos
nito'y bumalik na kami sa simbahan at nagpahinga dahil malayo-layo rin ang
aming narating.
Nang
sumapit na ang ikatatlo ng hapon ay nagsimula na kaming magpraktis ng aming mga
tutugtugin para bukas sa simba. at pagkatapos nito ay naghapunan kami at ako'y
nakibahagi sa leadership training na kung saan ay inihahanda ang mga kabataan
bilang susunod na mga henerasyon.
No comments:
Post a Comment