Mahal
kong Talaarawan,
Masaya ako ngayong araw dahil ngayon ay araw
ng Biyernes at bukod pa diyan ay meron kaming P.E. Masayang-masaya ako kapag
kami ay nagpP.E. at hindi ko alam kung bakit, dahil siguro matataas ang
nakukuha kong bilang sa curl ups at push ups kaya gano'n. Masaya din ako sa
markang ibinigay sa akin ni ma'am Nacolangga na 95% sa inukit ko sa sabon na
mukha ni Tutankhamen, siya ang pinakabatang naging paraoh ng Egypt.
Tulad kahapon ay iniliban na naman kami ni
sir Espina upang magpinta at mabuti'y nasimulan ko nang ipinta ang kabayo ni
ma'am Daito, sa tingin ko'y mahilig si ma'am Daito sa mga pinta kaya lagi
siyang bumibili at sobrang bait niya dahil pinamemerienda pa niya kami.
Ikatatlo na kami umuwi sa bahay at bago ako umuwi ay nagdala ako ng isang
maliit na canvas upang makapagpinta din sa bahay.
Pagdating
sa bahay ay nagpahinga muna ako dahil sa pagod sa paglalakad at nang
makapagpahinga na'y nagsimula na akong magpinta ngunit hindi ko ito natapos
dahil natukso na naman ako sa pinapanood nila papa at mama na pelikula na may
pamagat na Hansel ang Gretel. Natapos itong pelikulang ito nang ikasampu na ng
gabi at ako inaantok na at kailangan ko pang gumising ng maaga bukas kaya ako'y
natulog na.
No comments:
Post a Comment