Hindi ko inaasahang ililiban na naman
ako ni sir Espina sa aming huling dalawang asignatura upang magpinta sa ibang
klase, pero ayus lang iyon dahil ngayon na lang daw. Masaya din ako ngayong
araw dahil mapagkakakitaan ko na ang tanlento ko at iyon ay ang pagpipinta sa
tulong ni sir.
Pagkatapos ng klase ay umuwi ako kasabay ang
aking mga kaibigan sa paglalakad. Pagdating sa bahay ay nagkompyuter ako nang
matapos kumain upang itanong sa aking mga kamag-aral kung anu ang mga takdang
aralin ngunit wala pang nagbubukas sa kanila ng kanilang account sa facebook
kaya nagyoutube muna ako at nanood ng mga video kung paano gumawa ng simpleng
instrumentong ukelele gamit ang karton at hindi ko namalayan ang oras at
ikaapat na pala ng hapon. Nang muli kong buksan ang facebook ko ay may kaklase
na akong nakabukas at nalaman ko na ang aming takdang-aralin ngunit malas
namang nawalang ng internet kaya nagsulat na lang ako ng aking talaarawan.
No comments:
Post a Comment